Karla Estrada gives advice to Your Face Sounds Familiar hopefuls: “Sobrang ihanda ang sarili.”

Your Face Sounds Familiar finalist Karla Estrada gives her advice to the show's Season 2 contestants: “I think the best na maa-advise ko is pag-aralan yung icon. Meaning, kung sino yung mabigay sa iyong icon, i-Google mo, panoorin mo, pag-aralan mong mabuti.”



Semi-regular cast member na si Karla Estrada sa Home Sweetie Home ng ABS-CBN.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Karla noong ika-5 taping day niya para sa show sa studio ng Kapamilya Network.

“Ako yung auntie nina John Lloyd [Cruz and Toni Gonzaga] na galing States kunwari. Kapatid ako ni Kuya Ipe [Phillip Salvador] na galing akong States so parang tita-tita nila.

“Masayahin na pa-English lang na pa-trying hard, parang totoong buhay lang.

“Kasi American girl kunwari,” natatawang deskripsyon niya sa kanyang role.

Naging contestant si Karla sa top-rating Kapamilya celebrity impersonation contest na Your Face Sounds Familiar (YFSF).


ADVICE TO YFSF HOPEFULS. Bilang dating contestant, ano ang maipapayo ni Karla sa mga sasali sa second season nito?

Payo niya, “Hay naku, sobrang ihanda ang sarili.

“Kasi akala nila madali? Naku, nakakaloka!

“Kasi ako nung sinabi sa akin, kasi ang pagkakakuwento, ‘Baklaan ito, parang impersonator, yung may mga ii-impersonate ka.’

“Sabi ko, ‘Ay, gusto ko 'yan!’

“Oh my God! Nung nandun na ako, ang hirap! Bawat bago umakyat yung Iconator para kong gustong masuka na hindi ko maintindihan, e.

“Nagtatago na nga lang ako dun sa prosthetics para matanggal yung hiya.

“Kasi grabe yung... nakakahiya. But siyempre wala, e. Wala kang choice kundi gampanan.

“I think the best na maa-advise ko is pag-aralan yung icon.

“Meaning, kung sino yung mabigay sa iyong icon, i-Google mo, panoorin mo, pag-aralan mong mabuti.

“Ganun ang ginawa ko dahil parang bala siya, e. Pag alam mo na, yung makukumportable ka. So as much as possible gayahin talaga yung voice.”

And the looks of the icon?

“Yung looks kasi minsan nakakatulong yung prosthetics e,” pahabol niya.

Wala pa raw siyang nakakausap sa mga bagong kasali.

“Pero one of these days, meron kaming duet with the new batch, yung second batch,” aniya.

Ang mga kasali sa second season ng YFSF ay sina Sam Concepcion, KZ Tandingan, Kakai Bautista, Michael Pangilinan, Myrtle Sarrosa, Eric Nicolas, Kean Cipriano, at Denise Laurel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa unang season naman ay sina Karla, Melai Cantiveros (na grand winner sa first batch), Jolina Magdangal, Maxene Magalona, Tutti Caringal, Jay-R, Nyoy Volante, at Edgar Allan Guzman ang mga kasali.


ANY REGRETS? Kung maibabalik ang panahon, sasali pa bang muli si Karla sa YFSF?

“Oo, siyempre! Mas competitive siguro ako,” at tumawa ang actress/singer.

Aminado si Karla na sa first season ay hindi siya naging competitive bilang YFSF contestant.

“In-enjoy ko lang ng parang ano, nilaro ko,” amin niya.

Pero kung halimbawang sasali siyang muli ay seseryosohin na niya.

“Kasi marami akong natutunan... na kaya ko pala,” pagmamalaki niya.

Hindi naman daw pinagsisihan ni Karla na hindi niya gaanong sineryoso ang pagsali niya dati sa YFSF.

“Kasi mas nangibabaw yung saya.

“Oo, mas nangibabaw yung saya, e. Hindi ko kinarir.

“I don’t want to sound unfair dun sa mga nangarir, di ba? Pero what I’m saying is, na-enjoy ko kasi nang bongga, e.

“Kasi talagang in-enjoy ko and naging kaibigan ko yung mga ano... yung mga makukulit ding iba.”


MORE COMFORTABLE WITH COMEDY ROLES. Nakagawa na si Karla ng mga drama series in the past tulad ng Kailangan Ko’y Ikaw with Kris Aquino and Robin Padilla.

Pero kung papipiliin siya kung saan siya mas nag-e-enjoy, sa sitcom raw na tulad ng Home Sweetie Home.

“Ang petiks,” pagtukoy ni Karla sa relaxed at chill lang daw na taping nila.

Kung babalik raw siya sa pagdadrama sa isang soap opera ay pasulput-sulpot na lamang marahil.

“Ang tagal kong ginugol ang buhay ko sa pagsu-soap opera, 'tapos ngayon nabigyan tayo ng chance na maalagan pa yung tatlo pang anak, matutukan yung isang anak pa na bisi-bisihan. E, di dun ko muna igugugol.

“Kasi baka paglingon ko ang tanda na ni Magui 'tsaka ni Carmella, hindi ko na nakita yung kabataan,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa dalawa niyang anak na babae na sina Magui (o Margaret) at Carmella ay dalawa rin ang anak na lalaki ni Karla—sina JC Padilla (na singing ang tinatahak na landas sa showbiz) and ang tinaguriang Teen King na si Daniel Padilla.

Paano kung nanaisin nina Magui at Carmella na mag-artista rin?

“Eventually, pag gusto nila. Si Carmella, sumasayaw-sayaw na sa ASAP.

“Pero mag-aaral yung dalawa muna, tapusin kasi mahihirapan sila, para at least, pag tapos na mas marami silang magagawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN