Ken Chan discovers his feminine side for transwoman role in Destiny Rose

Ken Chan on finding his feminine side: "Noong una nahihirapan akong hanapin. Kasi sabi sa akin, lahat ng tao… kunwari lalaki ka, mayroon kang feminine side. Kung babae ka, mayroon kang masculine side. So, ako, hinanap ko talaga yung feminine side ko."


Malaking factor daw para sa Kapuso actor na si Ken Chan na suportado ng kanyang non-showbiz girlfriend ang pagganap niya bilang isang transwoman sa pagbibidahan niyang upcoming afternoon teleserye ng GMA Network, ang Destiny Rose.

Saad ni Ken, “Sobrang supportive niya po.

“Naggi-girl ako sa harap niya. Tinutulungan niya akong mag-makeup.

“Kasi ngayon pa lang, nakaahit na yung kilay ko, e, nilalagyan lang ng eyeliner.

“Siya yung nagturo sa akin, kasi pag sa labas, nakakahiya, isang line lang yung kilay ko.

“Siya yung nagtuturo sa akin na maglagay ng eyeliner.

"So, nakakatuwa na tinutulungan niya ako," sabi ni Ken.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ken sa solo presscon niya na inorganisa ng kanyang management team sa GMA Artist Center noong Agosto 27, sa 17th Floor ng GMA Network building.

Hindi ba siya tinutukso ng girlfriend niya?

Sagot ni Ken, “Hindi, yung tukso naman… tinutukso parang in a positive way na natutuwa siya nang sobra-sobra sa akin.

“Kantiyaw siguro yung the right term.

“Kinakantiyawan nga niya ako na, ‘Mas maganda ka pa sa akin, a!’”



FINDING THE GIRL IN HIM. Nahanap na ba niya ang pagiging babae niya para sa pagganap niya ng transwoman?

Sagot ng Kapuso actor, “Noong una nahihirapan akong hanapin.

“Kasi sabi sa akin, lahat ng tao… kunwari lalaki ka, mayroon kang feminine side.

“Kung babae ka, mayroon kang masculine side.

“So, ako, hinanap ko talaga yung feminine side ko.

“Noong unang-una, hirap na hirap po talaga ako.

“Pero napag-aaralan po pala talaga para makuha mo yung feminine side mo.”

Malaking tulong daw hindi lang ang girlfriend niya ngayon kundi pati ang kanyang past girlfriends para mahanap niya ang feminine side siya.

“Actually, malaki yung itinulong sa akin kung sinuman yung inspirasyon ko ngayon.

“Actually, yung mga naging girlfriend ko at saka yung ngayon po, sila po yung isa sa mga dahilan kung bakit ko nagagawa si Destiny Rose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi saulo ko po, parang alam ko po kung paano umiyak ang isang babae, kasi nakikita ko sa girlfriend ko.”

Napapaiyak niya ang girlfriend niya?

Paglilinaw ni Ken, “Hindi naman po.

“Alam ko rin, kung paano siya tumawa, kasi laging ang kasama natin yung girlfriend natin.

“So, name-memorize ko yung mannerisms nila, yung movements nila, so kumukuha ako ng technique sa kanila.

“Nakakatulong sa role ko as Destiny Rose.”

Masasabi niya ba na ang girlfriend niya ang peg niya?

“In a way po, parang siya po yung pinakamalapit na peg ko as babae.

“Sa kanya ko po parang nahuhugot yung feminine side ko.”



HIS FAMILY ALSO SUPPORTS. Bukod sa kanyang girlfriend, natutuwa rin si Ken sa suporta ng kanyang pamilya lalo na’t may pagka-conservative ang parents niya.

“Lalo na si Papa kasi Chinese na napaka-conservative.

“Alam naman po kasi nila yung role ko na gagampanan ko and tanggap naman po nila.

“Actually, sobrang suportado po ako ng parents ko and natutuwa sila na nagkaroon ako ng ganitong opportunity lalo na napaka-challenging ng role.

“Sobrang natutuwa sila for me as an actor.

“Naiiyak nga si Mama noong malaman niya na nakuha ko yung Destiny Rose.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN