#AlDub Fever: Maine Mendoza shifts from Yaya Dub to Isadora

May panibagong karakter na naman sa sinusubaybayang Kalyeserye ng Eat Bulaga!—si Isadora, ang tunay na ina ni Yaya Dub. Ang dalawang karakter ay parehong ginagampanan ni Maine Mendoza.


Lumantad na ang tunay na ina Yaya Dub na si Isadora.

Sa episode ng KalyeSerye ng Eat Bulaga! ngayong Martes, September 1, isa-isang in-interrogate ng Da Explorers sisters na sina Nidora (Wally Bayola), Tidora (Paolo Ballesteros), at Tinidora (Jose Manalo) ang mga nagsasabing sila si Isadora—ang pinakabata nilang kapatid at ina ni Yaya Dub (Maine Mendoza).

Ayon kay Nidora, matagal na nawalay sa kanila si Isadora dahil dinala ito ng kanilang mga magulang sa isang isla sa Cebu.

Doon ay nagkaroon ng relasyon si Isadora sa magtutubig na si Dodong at nagbunga ang kanilang pagmamahalan.

Dahil matagal na nilang hindi nakikita si Isadora ay hindi na nila alam kung ano na ang hitsura nito ngayon.

Kaya naman nagsagawa ng interogasyon ang magkakapatid sa mga nagpapakilalang Isadora, upang matukoy kung sino talaga sa kanila ang nagsasabi ng totoo.

Ang dalawang naunang nagpakilala na Isadora ay pinaalis agad pagkatapos lamang ng isang katanungan.

Ang pangatlo naman ay maraming nakuhang tamang kasagutan kaya akala ng marami ay ito na nga ang tunay na Isadora.

Ngunit sa tanong kung ano ang paboritong pagkain ni Yaya Dub sa mga inilabas na streetfoods, ang paa ng manok ang pinili ng pangatlong kandidato.

Kaya napatunayang hindi ito ang tunay na Isadora.

Nang lumabas ang pang-apat na nagpapakilalang Isadora ay nagulat ang magkakapatid dahil kamukhang-kamukha ito ni Yaya Dub.

Bukod dito, nagda-Dubsmash din ito habang sinasagot ang mga katanungan ng magkakapatid.

Ikinuwento nito, sa pamamagitan ng Dubsmash, kung paano sila nag-ibigan ni Dodong at kung paano sila nagkahiwalay.

Nang papiliin kung ano ang paboritong pagkain ni Yaya Dub ay agad nitong pinili ang isaw.

Matatandaang sa isang episode ng KalyeSerye ay tinanong ni Alden kung ano ang paboritong pagkain ni Yaya Dub, at ang isinagot nito ay isaw.

Kaya walang duda na ito na nga ang tunay na Isadora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sinabi ni Nidora na impostor pa rin ito kaya pinaalis niya ito sa kanyang mga Rogelio.

MAINE PLAYS ANOTHER CHARACTER. Bago ang episode na ito ay maraming humula kung sino ang gaganap na Isadora, ang tunay na ina ni Yaya Dub.

Lumutang ang mga pangalan nina Michael V, Ryan Agoncillo, Pops Fernandez, at maging si Marian Rivera.

Ngunit marami ang nagulat na si Maine Mendoza pala ang gaganap na Isadora, kabilang na si Alden na hindi maitago ang tawa nang makita ito bilang si Isadora.

PEPsters, pabor ba kayo na si Maine din ang gumanap bilang si Isadora?

Ano kaya ang dahilan kung bakit ayaw ni Lola Nidora na kilalanin si Isadora na siyang bunso nilang kapatid?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN