Pinay sisters from Isabela impress Simon Cowell and other X-Factor judges

Pinay girl group 4th Power has made the rounds of local talent shows such as Pinoy Idol, It's Showtime and Talentadong Pinoy, but the international stage beckons with their initial success at The X-Factor UK.



Apat na magkakapatid na Pinay na mula sa Isabela ang nagpakitang-gilas sa sikat na talent search sa United Kingdom na The X-Factor.

Ang Pinay girl group na 4th Power ay binubuo nina Mylene, Celina, Irene at Almira.

Napanood sila sa unang linggo ng auditions para sa The X-Factor Season 12.

Pinalakpakan at nabigyan pa sila ng standing ovation ng audience dahil sa pinakita nilang performance ng smash dance hit na “Bang Bang” nila Jessie J., Ariana Grande at Nicki Minaj.

Maging ang mga judges ng The X-Factor na sina Simon Cowell, Cheryl Fernandez-Versini, Rita Ora at Nick Grimshaw ay napanganga sa pinamalas na performance ng magkakapatid.

Bago sila mag-perform, tinanong sila ni Cowell kung taga-England silang magkakapatid at sagot nila ay nanggaling pa sila ng Pilipinas para lang mag-audition sa The X-Factor.

Pagkatapos ng kanilang performance ay pinagkaguluhan ng UK media ang 4th Power at kinumpara sila sa all-girl group na Little Mix na grand winner ng naturang talent show noong 2011.

(To watch their performances, CLICK HERE)


CONTROVERSIAL AUDITION. Dahil sa nilikhang ingay ng 4th Power sa UK, ni-research ng UK tabloid na Daily Mirror kung sino at saan nanggaling ang grupong ito.

Nalaman ng tabloid na mga professional singers na pala ang magkakapatid na ito at may sarili ng album.

“All contestants are supposed to be wannabe beginners but these girls are seasoned performers who have been on TV and even released records available to buy on Amazon,” ayon pa sa report ng Mirror.

Ngunit ayon sa statement mula sa spokesperson ng British reality show, itinanggi nila na inimbitahan nila ang grupo na mag-audition sa singing contest.

"X Factor producers did not approach Fourth Power to audition - they flew to the UK to audition of their own accord and went through exactly the same audition process as other acts. Their interview in the programme clearly said that they had been performing together since 2001and had competed in various places. There are no rules preventing anyone who has appeared on other shows from applying for The X Factor."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napag-alaman pa ng Mirror na noong 2010 pa naging professional performers na ang 4th Power na unang nakilala bilang The Gollayan Sisters.

Pinalitan nila ang pangalan ng grupo nila at naging The Cercados. Nag-release pa sila ng album titled Unstoppable na available na rin sa U.K.

Lumaban na rin sa ilang talent shows sa Pilipinas ang magkakapatid. Kabilang na rito ang Talentadong Pinoy, It’s Showtime at Pinoy Idol.

Huli silang sumali sa Superstar K6, isang sikat na talent show in South Korea. Gamit nilang pangalan doon ay M.I.C.A.

Hindi pa naman daw naia-announce kung nakaabante na sa next stage of competition ang 4th Power sa The X-Factor.

Samantala, ang audition preview video nila on YouTube ay nakakuha na ng higit sa 1.1 million hits.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN