Solenn Heussaff hosts new travel show; says about Siquijor: "It’s very beautiful...hindi hashtag Siquiwhore."

Solenn Heussaff wants to promote domestic tourism through her new travel show, Tr!pinas.




Magiging host ng isang travel show ang GMA-7 sexy host/actress na si Solenn Heussaff,

Ito ay ang kanyang ikalawang hosting stint bukod sa lifestyle show na Taste Buddies.

Called Tr!pinas, ang new travel show na ito ay hosted by Solenn at ang 2GO Travel Vice President and Chief Operating Officer na si Stephen Tagud. Ito ay eere sa GMA News TV tuwing Sabado sa ganap na 11 mg umaga.

Ayon kay Solenn, mahilig siyang mag-travel kaya niya nagustuhan ang programang ito. Gusto rin niyang makadiskubre ng iba’t ibang lugar dito sa Pilipinas para makatulong sa mga turistang gustong kilalanin ang sariling bansa.

“I am very excited for the show to help the tourists, and also the Filipinos discovery their own country mas malalim yung level,” masayang pagbungad ni Solenn nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa bago niyang programa sa press conference ng Tr!pinas na ginanap sa The Hub, Rizal Park, Manila.

Pagpapatuloy niya, “Promoting domestic tourism…create fun memories until you get to your destination, this is what we want to promote.

“Learn from it, and learn from us.

“Probably discover new things you haven’t seen yet. Encourage your friends, and your family to go to those new places, discover it with them.

“Here in Pilipinas, we discover a lot of parts, and I’ve been to Bacalod, Dumaguete, I’ve been so many times like twenty, or thirty times, at ngayon ko lang nakita yung mga places na napuntahan namin.”


SIQUIJOR EXPERIENCE. Hindi pa raw gaanong pamilyar si Solenn sa mga lugar sa Pilipinas kaya malaking tulong para sa kanya ang Tr!pinas para mapuntahan at madiskubre ang magagandang desitinasyon sa ating bansa.

“I don’t feel like I know my country well enough, and it’s a very big way of discovering my own culture as well, and helping others of discover.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I am excited for people to watch, and learn. And then feedback from everyone that actually goes to the places we featured in the show.

Isa sa mga na-feature na lugar ng Tr!pinas ay ang Siquijor, kung saan ay mga haka-haka na marami raw mga mangkukulam, at di kanais-nais na tao.

Ngunit paglilinaw naman ni Solenn,”Lahat ng mga myths, mythicals, hindi talaga nakakatakot.

“Sa Siquijor...ang mga Pinoy takot sila pumunta doon kasi may mga manananggal, may mga ganun….

“E, wala, buhay pa naman kami ngayon.

“It’s very beautiful, there’s a lot of beautiful scenery, very clean, as in napakalinis talaga yung city nila.

“There’s a lot to do, thre’s hiking, trekking, you can even do camping, tapos may beach pa.

“You can rent a scooter, and the falls mukhang fake yung falls kasi iba yung kulay. It’s so beautiful, and so worth going, at napakabait ng mga tao dun.”

Matatandaang naging controversial issue ang pagpost ng kaibigan ni Solenn na si Isabelle Daza ng hashtag na #SiquiWhores, na ginamit ng huli sa kanyang Instagram post.

Dahil dito, pabiro pang idinagdag ni Solenn, “Hindi hashtag Siquiwhore [#Siquiwhore]."


(Read: Isabelle Daza gets criticized for using #SiquiWhores in Instagram)



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN