Yen Santos comments on sweet photos with Albert Martinez; says "Parang ako lang naman ang may malisya, parang siya, wala naman."

Yen Santos admits crush on All of Me co-star Albert Martinez: “Sa guwapo niya, ha, hindi lang ako, pati nanay ko.” She recalls that her own mother told her to just go back to school at the time when her acting career was going nowhere, “Kasi ako talaga, naniniwala ako, kung para sa ‘yo, para sa ‘yo talaga.”



Naging matagumpay ang pilot episode ng bagong afternoon series ng ABS-CBN, ang All Of Me, na maituturing na pinakamalaking break ni Yen Santos.

Sabi ni Yen, “Opo, masasabi ko talagang ito ang pinaka-big break ko.”

Ang karakter niya sa All Of Me ay may pagka-immature, aggressive, makulit, pero sweet. Sa totoong buhay, ganun din siya?

Sagot ni Yen, “May pagka-makulit din ako in real-life.

“Kapag may gusto ‘kong sabihin o malaman, kapag alam ko yung tao may gustong malaman sa akin...

"Talagang tinatanong ko po siya.”

In real life, katulad rin ba siya ng karakter niya na siya ang nauunang magtapat ng damdamin niya para sa lalaki?

“Opo, ganun ako nung high school,” natawa niyang sabi, “Pero sa ngayon, parang hindi na.

“Dati kasi, sinasabi ko sa kanya kapag alam kong may gusto sa akin.

“Sabi ko, ‘Bakit ka ganyan,’ hanggang sila rin ang umaamin,” natatawang sabi ni Yen.


INTIMIDATED. Nag-alangan din daw sila ni Albert sa umpisa na baka hindi maging maganda ang kalabasan ng chemistry nila dahil sa malaking agwat ng edad nila.

Ayon kay Yen, “Noong una, iniisip namin na baka magmukhang pilit dahil sa edad.

“Pero sa mga reaksiyon ng mga tao, sobrang natuwa naman sila, nagbunga naman ng maganda."

Seventeen years old pa lang daw ang karakter ni Yen sa All Of Me pero sa totoong buhay, 22 na siya.

Marami silang kissing scene at love scene ni Albert, na sa ngayon ay 54 years old. Wala ba silang ilangan?

“Yung sa mismong take na, hindi na po, na-overcome ko po yun noong workshop pa lang.

“Pero noong una ko talagang makita si Tito Albert, nanginginig ang kamay ko, sobrang lamig.

“Nai-intimidate po ako sa kanya hindi dahil sa matanda siya sa akin.

“Kung hindi dahil kailangan kong masabayan ang acting niya, alam ko sa sarili ko na veteran actor siya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang pagdating sa taping, ayoko namang mag-take two, mag-take three.

“Parang dito pa lang, alisin na natin ang wall para pagdating sa taping, wala na tayong maging problema.”


FIRST TIME. Kung may nailang man daw si Yen, ito ay ang pagsusuot daw niya ng two-piece swimsuit dahil kahit daw sa totoong buhay, hindi raw siya nagtu-two-piece talaga.

“Nang pinapanood ko nga po, hiyang-hiya ako sa katawan ko,” natawa niyang sabi.

“First time ko rin pong magsuot ng two piece sa buong buhay ko, hindi naman ako naggaganun.

“At saka hindi ko pa nga po na-achieve ang pang-two-piece na katawan, kaso kailangan nang mag-taping.”


MAY-DECEMBER AFFAIR. “Meron!” ang natatawa at mabilis na sagot ni Yen sa tanong kung may crush ba siya kay Albert.

Sabi pa niya, “Sa guwapo niya, ha, hindi lang ako, pati nanay ko.”

Yung crush niya, posible kayang maging love?

“Ay, hindi naman po, siguro hanggang sa paghanga lang tayo,” sabi ni Yen.

Posible bang magkagusto nga siya sa isang lalaki na doble ang agwat ng edad nila?

“After po ng nangyari ngayon, puwede,” nakangiti niyang sagot.

“At saka, kung ganun naman kay Tito A, e, grabe!

“Sobrang bait po na tao, napaka-professional, napaka-down-to-earth.

“Kaya rin po siguro hindi naging mahirap kasi sa tulong din po niya, hinayaan din niya ko na makilala ko siya.”

Napansin ng karamihan ng entertainment press sa nakaraang special screening ng All Of Me na panay ang yakap ni Yen kay Albert. May kuha pa sila kunsaan hinalikan ni Albert si Yen.

Paliwanag ng dalaga, “Na-miss kasi namin, ang tagal naming hindi nagkita at saka naging close po talaga kami ni Tito Albert.

“Sa mga unang eksena, kami po talaga ang magkasama.”

Binata na si Albert dahil ilang buwan na itong biyudo nang pumanaw ang kanyang misis na si Liezl Martinez.

Sabi naman ni Yen na natatawa, “Naku, parang ako lang naman ang may malisya, parang siya, wala naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa ngayon, hanggang crush lang tayo, respeto po natin, mabait lang po talaga si Tito A.”


JM DE GUZMAN. Alam naman daw ni Yen ang pinagdaanan ng isa pa niyang leading man sa All Of Me na si JM de Guzman.

Hindi rin naman daw siya naiilang kahit alam niyang sa tunay na buhay, girlfriend niya si Jessy Mendiola.

Sabi naman ni Yen, “Okay po kami ni JM pagdating naman sa work.

“Kung kailangan gawin ang mga eksena, pero after naman ng work, wala ng kahit na ano.

“At saka, masaya po ako para kay JM, deserve niya po talaga, actor po siyang talaga.

“Kapag nga magka-eksena kami, mata pa lang niya, nakakahugot na ko.

“Magaling po si JM, tahimik lang po ‘yan, e.

“Ako lang ang maingay sa set, kami nila Ate Neri [Naig].

“At saka si JM naman po, madali naman po siyang ka-work.”

Nang makausap namin si Yen, wala pa raw silang nakukuhanan na anumang kissing scene ni JM.

“Kaya nga po mas si Tito A ang naka-eksena ko pa lang ng matagal.”


POSITIVE RESPONSE. Masaya naman si Yen sa mga naririnig na magagandang feedback lalo na sa ipinakita niyang pag-arte sa All Of Me.

Naa-anticipate na rin ba niya na dahil sa pinagbibidahang serye, posible na rin siyang maging isa sa pinaka-importanteng artista ng Kapamilya Network?

“Naku, hindi ko pa po naiisip ‘yan, ngayon pa nga lang po, hindi nagsi-sink-in sa akin sa mga nangyayari.”

Siya raw ang tipo ng artistang naniniwala na kapag para sa kanya ang isang proyekto, para sa kanya talaga.

Kaya kahit sinasabi ng iba na parang mabagal ang usad ng career niya noon, hindi raw siya pinanghinaan ng loob.

“Ang Mommy ko pa nga po yung, ‘O, wala ka naman yatang ginagawa, umuwi ka na lang dito.’

“Mag-school na lang daw po ako ulit, pero sabi ko, ‘Ma, ano ka ba?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ako talaga, naniniwala ako, kung para sa ‘yo, para sa ‘yo talaga.”


COVER GIRL? Dahil nagpa-sexy na rin si Yen sa All Of Me, naitanong namin sa kanya kung handa na rin siya sakali at alukin ng men’s magazine na maging cover girl.

Pero sabi ni Yen, “Hindi pa po, hindi ko pa kaya, marami nga po ang nagsasabi na mag-pose sa FHM pero hindi po, e.”

“Gusto ko po kasi na makilala na… mas gusto ko po talagang umarte kesa magpa-sexy.

“Ngayon po, kaya ko po siya ginawa dahil kailangan po.

“Una pa lang naman, sinabi talaga sa akin na meron.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN