Maine Mendoza shows her potential as dramatic actress

Unti-unting pinatutunayan ni Maine Mendoza na hindi lang pagda-Dubsmash ang kaya niyang gawin. Pagkatapos ipakita ang galing niya sa pagsasayaw at pagda-drums, ngayon naman ay napapansin na rin ang galing niya sa pag-arte.


Unti-unti nang inilalabas ni Maine Mendoza ang iba pa niyang mga talento maliban sa pagda-Dubsmash.

Si Maine ay unang nakilala bilang si Yaya Dub sa "Problem Solving" segment ng Eat Bulaga, hanggang sa gawan na ng Kalyeserye ang love story nila ni Alden Richards sa show.

Si Yaya Dub ang masungit na tagapag-alaga ni Lola Nidora (Wally Bayola) na idinadaan sa pagda-Dubsmash at pagsasayaw ang emosyon.

Sa pag-usad ng kuwento ng Kalyeserye, unti-unting nakita ang iba't ibang emosyon ni Maine, bilang Yaya Dub o maging ang totoong siya.

Una ay ang pagkakilig nang una niyang masilayan si Alden sa screen, na nagbigay-daan sa sikat na sikat nilang tambalan ngayon na AlDub.

Bagamat hindi nagsasalita, naipapakita ni Maine ang kanyang emosyon sa mga kantang dina-Dubsmash niya—kilig, tuwa, galit, at lungkot.

Ngunit madalas ding lumalabas ang tunay niyang nararamdaman sa kilig moments nila ni Alden, na crush niya talaga sa totoong buhay.

Isang halimbawa nga nito ay ang pinaghalong kilig at saya na napanood sa unang pagtatagpo nila ni Alden nang malapitan noong Sabado, September 5.

Read: Alden Richards and Maine Mendoza finally meet face to face

Nagtapos ang episode noong Sabado nang dukutin si Yaya Dub ng dalawang nakamaskarang lalaki.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ngayong linggo ay ipinakita si Yaya Dub na nasa isang tila bodega, kung saan siya dinala ng mga dumukot sa kanya.

Sa mga eksena niya ay nagpakita si Maine ng panibagong dimension ng pag-arte—seryoso, takot, at nangungulila.

Malayung-malayo ito sa dating Yaya Dub na masungit, masayahin, at galawgaw.

Agad naman itong napansin ng maraming netizens at inihayag nila ang kanilang paghanga kay Maine sa pamamagitan ng Twitter:

Still in shock when i saw @mainedcm 's acting skills! Napaka Versatile! And the fact na no workshop sya, pure talent only. #ALDUBSeeYouAgain

— Cecile Mesina (@cecilemesina) September 8, 2015

Maine has a lot to offer in this showbiz industry we finally one by one see her potencial to be a versatile actress #ALDUBSeeYouAgain

— michael gubac (@mkile900) September 8, 2015

Great acting @mainedcm , your eyes speaks painful emotions and longing to someone you love @aldenrichards02 @allanklownz #ALDUBSeeYouAgain

— miss kim-MaiDenKorea (@khjnoona) September 8, 2015

Eat Bulaga has hit the jackpot in finding Maine Mendoza #ALDUBSeeYouAgain

— Cotton Kenji (@nvincentlee) September 8, 2015

MAINE IS TOTAL PACKAGE,SHE CAN ACT,DANCE,SING ect.NO NEED TO DEVELOP BUT ONLY IN-HANDS HER TALENT.AMAZING MAINE. @mainedcm #ALDUBSeeYouAgain

— ALDUB/MAIDEN_UAE (@aldub_uae) September 8, 2015

So vry proud of u @mainedcm Ifeel ur acting,bin crying for twodays nw asI watch KS.Wana hug u tyt #ALDUBSeeYouAgain https://t.co/5ze0vNinPk

— Pandora (@Pandora460a) September 8, 2015

Ang galing mo Yaya. We're proud of you! @mainedcm #ALDUBSeeYouAgain pic.twitter.com/bM2lltuUuR

— ALDUB|MAIDEN CAVITE (@maiden16_cavite) September 8, 2015

her eyes are really expressive. #ALDUBSeeYouAgain https://t.co/HntusYWGWH

— coco raj (@epudalea) September 8, 2015

I'm excited to see more of @mainedcm 's acting skills! She gives me the feels! Affected din ako! Kaloka! #ALDUBSeeYouAgain

— Jamaica Blanco (@iamjamsixx) September 8, 2015

Kung noong umpisa ay marami ang nagdududa kung hanggang pagda-Dubsmash lang ang kayang gawin ni Maine, sa loob ng maikling panahon ng pagiging bahagi niya ng Eat Bulaga! ay nakita ng mga manonood ang iba pang mga kaya niyang gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa "Bulaga Pa More" segment ay maraming humanga sa kanyang pagsasayaw at maging sa pagda-drums.

Ngayon naman ay napapansin na rin ang kanyang kakayahan sa pag-arte.

Nakakasabay na siya sa mga kasamahan niyang sina Alden, Jose Manalo, Paolo Ballesteros, at Wally Bayola.

Sa mga lumang videos ni Maine sa YouTube ay maririnig ang kanyang tunay na boses na kumakanta, at hindi rin siya magpapatalo kung kantahan lang din ang pag-uusapan.

Narito ang ilang videos kung saan maririnig ang kanyang tunay na boses at kumakanta pa:




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN