"Nuts Entertainment" moves to new time slot

by Rose Garcia
May 26, 2008
GMA-7's Nuts Entertainment will now be seen every Thursday after The Legend.

Simula sa May 29, Thursday, magkakaroon na ng bagong araw at oras na airing ang comedy-gag show ng GMA-7, ang Nuts Entertainment.

Ayon sa taga-production ng Nuts Entertainment, due to insistent public demand kung kaya't instead na weekend, babalik na sa pagiging weekdays ang show. Originally kasi, every Wednesday ng gabi napapanood ang Nuts hanggang sa naging Saturday night na ito.

Pero simula ngayong linggong ito, tuwing Huwebes na mapapanood ang isa sa maituturing na matatag na comedy-gag show ng Kapuso network since the show is already running for five years.

Ilan na rin sa mga original cast ng show ang nawala as regular mainstay tulad nina Gelli de Belen, Carmina Villarroel, Sherwin Ordoñez, Anne Curtis to name a few, pero ang naturang show ay nandiyan pa rin. In fact, hindi rin maitatanggi na ilang programa na rin sa kalabang network ang sinubukang itapat sa Nuts Entertainment, pero halos lahat din ay hindi nagtagal sa ere since consistent nga na Nuts palagi ang may malaking lamang in terms of the rating game.

Continue reading below ↓

Kung may mga nawalang cast, patuloy pa rin naman napapanood sa show sina Joey de Leon, Janno Gibbs, Anjo Yllana, Richard Gutierrez, Mike "Pekto" Nacua, at John Feir. Ilan sa mga nadagdag naman sa original cast ay sina Alfred Vargas, Iwa Moto, at Ehra Madrigal.

Kilala ang Nuts Entertainment sa mga unscripted, spontaneous, at off-the-wall party games between two participating groups. Basically, combination ito ng regular cast members at ang iba't ibang weekly celebrity guests.

Pero masasabing pinaka-popular segment ng show ang "Balakubak: Balita At Kuwentong Bakla" kunsaan sina Joey, Janno, and Anjo ay may no-holds- barred celebrity hot seat interviews na madalas, mas marami pa yatang nabubuko at napapaamin na guests kumpara sa ibang talk shows.

At sa pagpa-pilot nga ng Nuts Entertainment this Thursday, after The Legend, ipalalabas muli ang mga unforgettable "Balakubak" guests na siguradong gugustuhin na mapanood muli, especially ng mga regular viewers ng show.

Abangan ang "Balakubak" with Annabelle Rama, Lolit Solis, Alfie Lorenzo, Judy Ann Santos and Jolina Magdangal, Bong Revilla with Jolo Revilla and Bryan Revilla, Jennylyn Mercado (uncut version), and Lucy Torres-Gomez. Lahat sila ay mapapanood ngayong Huwebes, May 29, sa Nuts Entertainment ng GMA-7.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
GMA-7, television
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA-7's Nuts Entertainment will now be seen every Thursday after The Legend.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results