Erich Gonzales falls accidentally during shooting; Daniel Matsunaga comes to the rescue of his girlfriend

"Natuwa lang ako na nandun siya para alagaan ako,” said Erich Gonzales said about boyfriend Daniel Matsunaga who carried her when she got into an accident while shooting Be My Lady.



Natuwa si Erich Gonzales na nandun ang kanyang boyfriend nang magkaroon siya ng aksidente sa Pampanga.

Co-stars ang real-life partners sa upcoming ABS-CBN teleserye na Be My Lady.

Sa set visit na ginanap sa Clark International Airport, Pampanga kahapon, September 10, nakapanayam ng PEP.ph sina Erich at Daniel tungkol sa kanilang bagong teleserye na tungkol sa isang couple na magkaibang lahi.

Matatandaang nagkasama sina Erich at Daniel sa Kris TV at Two Wives kunsaan nagsimula ang kanilang pagkakaibigan at tuksuhan hanggang sa na develop sila sa isa’t-isa.

Kinakitaan ang dalawa ng kilig hindi lang bilang love team pero pati na rin in real life bilang boyfriend at girlfriend.

Very open sina Daniel at Erich sa kanilang relationship na tinanggap ng mga fans at nakilala ang kanilang tandem bilang “DanRich.”


Ano ang roles ninyo sa Be My Lady?

Erich: “Ako rito si Pinang, isang simpleng probinsyana na punung-puno ng pangarap hindi lang para sa sarili kungdi para sa pamilya niya at handa niyang gawin lahat para sa kanila. Hindi priority ni Pinang ang love life, talagang pamilya lang ang concern nya, pero nung dumating si Phil [Daniel Matsunaga] baka sakaling magbago ang pananaw niya sa buhay.”

Daniel: “Ako po rito si Phil na isang foreigner who came from a broken family, living outside of the Philippines. Because of him coming from a broken family, dahil api siya nung bata siya, he needs someone to take care of him. The reason why he came to the Philippines, it’s because of his Nanny [Janice De Belen] na mother ni Pinang. [I came] to meet her but something happens. I’m trying to fix my mistakes and grow up and falling in love with the country and falling in love with the Filipina.”

May mga kissing scenes or love scenes ba na aabangan sa bago ninyong teleseryeng ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Daniel: “Maraming kilig scenes!”

Tumingin naman si Erich sa boyfriend at tinanong niya, “Talaga?”

Daniel: “Tingin ko. Tanungin natin kay Direk. Direk may kilig scenes ba?”

Pero okay lang ba sa inyo na makita ng mga fans n’yo na may kissing scenes kayo onscreen?

Daniel: “Sa akin, okay na okay po! (sabay tawa at sabay tingin kay Erich)

Erich: “Kapag kailangan sa istorya bakit naman po hindi.”

Mas madali bang katrabaho yung totoong boyfriend or girlfriend mo sa isang proyekto kumpara yung ka loveteam wala kayong totoong nararamdaman sa isa’t-isa?

Daniel: “Mas madali po, kasi mas comfortable kami sa isa’t-isa, siyempre we are more confident and it helps a lot sa lahat ng mga eksena namin.”

Erich: “Ako, siyempre nung una, nakakapanibago kasi first time kong maka trabaho ang isang boyfriendsa isang proyekto, pero so far, so good wala namang bad effects on me, swabe lang! Smooth lang ang lahat.”

Nabalitaan namin na sa first day of shooting niyo dito sa Pampanga ay naaksidente si Erich. Ano yung eksaktong nangyari?

Erich: “Nagmo-motor ako nun sa malapit sa pilapil, tapos lupa yung daanan, sa bandang dulo di ko namalayan may kanal. Tumama yung gulong ng motor ko dun. Ayun nahulog ako sa motor. Wala namang major fracture or sugat, galos lang at pasa. Ayun, pero medyo hirap lang maglakad.”

Nasaan ka that time Daniel nung naaksidente si Erich? Anong ginawa mo that time?

Daniel: “Nasa tent ako that time, bigla sumigaw si Direk na may nangyari nga kay Erich, tumakbo ako sa lugar ng aksidente then binuhat ko pabalik ng tent si Erich kasi nga she cannot walk that time.”

Ano yung feeling mo na nandun si Daniel to support you sa aksidente mo?

“Nagpi-feeling!” biro ni Erich. “Hindi joke lang! Ayun natuwa lang ako na nandun siya para alagaan ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Daniel: “Nag work-out ako that time, kasi mabigat siya nung binuhat ko, e.” (sabay tawa)


(Read: Daniel Matsunaga on shooting kissing scenes with Erich Gonzales: “She's my girlfriend so baka mag-request kami. Joke!”)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN