Candy cutie Jameson Blake becomes PBB 737's latest housemate; Mikee Agustin returns as official housemate

Jameson Blake, an 18-year-old Accountancy student, is the latest housemate of Pinoy Big Brother 737; Mikee Agustin re-enters PBB house after winning public votes.



Ang Candy cutie na si Jameson Blake ang bagong regular housemate sa Pinoy Big Brother 737.

Isa rin siyang model tulad ng Cosmo hunks na sina Tommy Esguerra at Zeus Collins, na naunang pumasok sa bahay ni Kuya bilang regular housemates.

Nitong nakaraang linggo nakilala ng PBB 737 viewers ang tinaguriang “Responsible Son ng Pampanga” na si Jameson.

Bago pumasok ng bahay, nakapayam ng PBB host na si Toni Gonzaga ang pinakabagong housemate.

Si Jameson ay 18-year-old Accounting student na ipinanganak sa Hong Kong. Isang Pinoy ang kanyang ina habang Amerikano naman ang kanyang ama ngunit naghiwalay ang kanyang mga magulang noong 10 taong gulang pa lang siya.

Nang tanungin kung bakit siya sumali sa ABS-CBN reality show, sinabi ni Jameson na ang pagtulong sa kanyang pamilya ang isa sa mga dahilan ng pagsali niya dito.

Sagot ni Jameson: “Kasi gusto ko mag-try ng different opportunities ‘tsaka to help my family, most importantly.”

Dagdag pa niya, “I want to enter showbiz, yun ang one option pero if it doesn’t work out, siyempre education is very important.”


HATAW WOW! Para sa kanilang weekly task, kailangan ng mga natirang housemates na sumayaw sa lahat ng oras sa hudyat ni Kuya. Sa kalagitnaan ng task na ito dumating pumasok ng bahay ni Kuya si Jameson ngunit hindi ito magaling sumayaw.

Bilang welcome task, pinaisip ni Kuya ang iba pang housemates ng dalawang challenges para kay James. Isa na rito ay ang makatawid sa pool si Jameson gamit ang fork at spoon bilang sagwan sa kanyang balsa. Ang isa namang challenge, kailangan ipa-wax ni Jameson ang ilang parte ng kanyang katawan.





MIKEE’S RETURN.
Opisyal na ring nakabalik bilang regular housemate si Mikee Agustin, matapos nitong matanggal nitong nakaraang Linggo matapos ang kanilang “LigTask Challenge.”

Bago muling makapasok, sumabak sa isang challenge si Mikee kung saan nakatunggali niya ang ex-teen housemate na si Kamille Filoteo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para sa kanilang Big Yanig task, inatasan ni Kuya si Zeus at Jameson na tulungan si Mikee at Kamille na makakuha ng ilang gamit mula sa ibang housemates at gawing parol ang mga ito.

Ngunit napansin agad ng mga ibang housemates ang task nina Zeus at Jameson at nahirapan silang hiramin ang isang gamit mula kay Miho.

Habang ginagawa ito nina Zeus at Jameson, nanonood naman ibang kuwarto sina Kamille at Mikee upang obserbahan kung sino sa mga housemates ang naughty at nice.

Isa pang pagkakataon ang ibinigay ni Kuya para kina Mikee at Kamille ngunit sila na ang papasok sa loob ng bahay ni Kuya pagkatulog ng mga housemates at kumuha ng mga gamit nila.

Matapos gawin ang parol, muling bumalik sa loob ng bahay ni Kuya sina Kamille at Miho upang isabit ang mga ito.




Matapos ang kanilang challenge, pinagbotohan naman ng taongbayan kung sino ang karapat-dapat na makabalik sa bahay ni Kuya.

Nakakuha ng 83.32% ng public votes si Mikee habang 16.68% lang ang nakuhang boto ni Kamille.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN