Comedian Philip Lazaro to direct GMA-7's newest celebrity talk show, CelebriTV

Despite the demand for his directorial skills, Philip Lazaro says he will continue his stints in comedy bars, "Ibang tao ako kapag nagpe-perform ako. Pampaalis ko ng stress ‘yan, 'tsaka ang sarap magpatawa ng kapwa mo."



Ang gay comedian at comedy bar performer na si Philip Lazaro ang naatasan na magdirek ng bagong celebrity talk show ng GMA-7 na CelebriTV kunsaan main hosts sina Joey de Leon, Lolit Solis at Ai-Ai delas Alas.

Kasama pa rin dito si Ricky Lo at mga exclusive interviews ng mga Hollywood stars ang kanyang magiging contribution.

Nasubukan na rin daw ni Philip na magdirek ng teleserye, ang Paraiso Ko’y Ikaw na pinagbidahan nina Kristoffer Martin at Kim Rodriguez.

Dinirek din niya ang TV5 gag show na Tropa Mo Ko Unli.

Ang huling directorial job ni Philip ang season ender episode ng Wattpad Presents sa TV5 kaya medyo kabado siya sa pag-upo raw niya bilang director ng isang celebrity talk show.

“Siyempre, first time ko mag-handle ng isang talk show na malayo sa mga nagawa ko ng pagdirek sa teleserye at gag show.

“‘Tapos magkakaibang personalities pa ang makakatrabaho ko.

“Mabuti na lang at pamilyar na ako kina Manay Lolit, Kuya Joey at Ms. Ai-Ai kaya hindi na ako mangangapa pa sa kanila.

“Nakatrabaho ko na sila bilang performer, pero this time ay director nila ako kaya kabado pa more ako,” sabay tawa niya.

Sa naging panayam namin kay Philip sa press launch ng CelebriTV noong nakaraang September 14, looking forward raw siya sa pinagsamang lakas nila Joey, Lolit at Ai-Ai.

“Exciting ito kasi ang sarap mapanood ang pag-clash ng mga personalities nila... may baliw, may pasaway at may sutil.

"Bahala na kayong alamin kung sino-sino sila!” malakas na tawa pa niya.

“Just imagine kung nagbabalitaktakan na sila with one another, hindi ba masayang panoorin?

“Very opinionated ang tatlong ‘yan kaya para sa isang katulad ko na first time silang madidirek, malaking challenge.

“Nakakakaba man pero alam mong maganda ang resulta,” ngiti pa ni Direk Philip.


FUN AND LAUGHTER. Kahit isang TV director na si Philip, patuloy pa rin daw ang kanyang paglabas sa mga comedy bars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibang mundo raw para sa kanya ang mag-perform sa comedy bars dahil pampaalis daw iyon ng stress sa kanyang buhay.

“Hindi ko puwedeng iwan ang mag-perform sa comedy bars, ibang tao ako kapag nagpe-perform ako.

"Pampaalis ko ng stress ‘yan, 'tsaka ang sarap magpatawa ng kapwa mo.

"Kahit na okrayan ‘yan, still, nakakabigay ka ng aliw sa marami.

“Sa comedy bars ako nagiging malaya talaga, may freedom ako na gawin ang gusto ko.

“Puwede akong mag-mujer [babae], masasabi ko ang mga gusto ko at napapatawa ko ang mga gustong mag-good time lang.

“Sabi nga nila, laughter is the best medicine, totoo ‘yan.

“Kaya naman sa buhay natin ngayon, maging masaya tayo dahil libre ang tumawa.”

Kaya rin hindi raw chismis or controversy-based ang CelebriTV.

Ayon kay Direk Philip, mga positive at nakakatuwang balita lamang sa mga celebrities ang handog nila sa mga televiewers.

“Yung mga chismis kasi, ipaubaya na natin ‘yan sa social media.

“Yaman din lang at nauuna na ang social media sa mga ganyan, sa kanila na iyon.

“Gusto kasi namin ay positive lahat, yung pampasaya ng buhay, this show is designed for fun.

"Huwag natin hanapan ng panget na anggulo ang isang celebrity, puro positive na lang at walang negative.”

Taped as live ang CelebriTV at hindi tulad ng namaalam na showbiz talk show na Startalk na live na napapanood tuwing Sabado.

“Kailangan kasi taped because may mga segments kami na kailangan mabantayan ang takbo.

“Okay naman sana kung live siya, pero sayang ang material kung mauubusan tayo ng oras.

“At least kung taped siya, kontrolado natin ang mga magaganap.

“‘Tsaka may kanya-kanyang segment sina Manay Lolit, Kuya Joey at Ms. Ai-Ai.

“Hindi kakayanin ng live kasi forty-five minutes lang kami.

“But we will make sure na siksik ang mapapanood nila sa binigay na oras sa amin,” diin pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN