StarStruck VI UPDATE: Prince Clemente, Claire Vande, Allysa de Real, Arjan Jimenez, April Scott, and Marion Garcia eliminated from GMA-7's artista search

by Nikko Tuazon
Sep 18, 2015


Six contestants mula sa 28 StarStruck semi-finalists ang natanggal sa live eliminations sa araw na ito, September 18.

Bago i-announce ang mga natanggal, inanunsiyo ng host na si Megan Young ang winning team para sa linggong ito base sa pinagsama-samang expert scores at text and online votes.�

Ang Dream 14 ang winning team kung kaya 2 lang mula sa team na ito ang matatanggal.

Samantala, apat na contestants naman ang matatanggal sa group na Believe 14.

Unang natanggal sina Prince Clemente ng Pasig City at Claire Vande ng Cebu mula sa Believe 14.

Sumunod na natanggal sina Allysa de Real ng Las Pinas City at Arjan Jimenez ng Quezon City. Sina April Scott ng Makati City at Marion Garcia ng Quezon City naman ang natanggal mula sa Dream 14.

Automatic safe naman ang top performers para sa linggong ito na sina Klea Pineda at Joemarie Nielsen para sa acting, Migo Adecer para sa singing, at Faith da Silva para sa dancing na base sa scores ng kanilang mga mentors.


CHALLENGE RECAP:


ACTING TEST. Sumabak sa acting challenge ang mga StarStruck VI hopefuls sa linggong ito. Nagtagisan ng galing ang female and male members ng Dream 14 at Believe 14.




DANCE TEST. Believe 14 naman ang nanalo sa group dance off nitong Miyerkules, September 16. Sinayaw ng dalawang teams ang “Don’t Be Pabebe” ng singer/rapper na si Kenjhons.





FACE OFF. Nakapag-uwi naman ng two wins each ang bawat team sa “Pambato test” sa episode kahapon, September 17.

Ang kanilang singing mentor na si Sushi Reyes at dance mentor na si Miggy Tanchanco ang pumili ng best performers sa bawat kategorya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unang sumabak sa ang mga biritera na sina Koreen Medina ng Cavite para sa Dream 14 at Princess Guevarra ng Cavite para sa Believe 14.

“Domino” ni Jessie J ang kinanta ni Koreen habang “Unbreakable Smile” naman ni Tori Kelly ang kinanta ni Princess.

Sa huli, si Koreen ang nanalo sa girls division ng singing category.

Ang komento pa ng kanilang mentor na si Sushi sa kanyang performance: “During the first chorus, medyo ninenerbiyos ka pa, siguro you were trying to find that sweet spot. But then at the end of the song, Koreen, you nailed it.”

Si Migo mula sa Believe 14 naman ang nanalo sa boys division dahil sa kanyang rendition ng “Sweater Weather” ng The Neighborhood. Tinalo ni Migo si Carl Cervantes ng Rizal sa performance nito “Fly Me To The Moon” ni Frank Sinatra.

Ang pagkakaiba lang daw sa kanilang performance, sabi ng mentor nila na si Sushi, “Siguro ang difference lang sa akin is the passion.”

Samantala, si Klea ng Dream 14 naman ang napili ni Miggy para sa female dance category. Sabi pa ni Miggy kay Klea, “You don’t need a back-up dancer for your performance.” Tinalo ni Klea si Claire mula sa Believe 14.

Si Chat Bornea naman ang nanalo sa dance off nila ni Kevin Sagra ngunit nahirap si Miggy sa pagpili kung sino ang mananalo sa kanila. Sabi pa niya, “It’s kinda hard kasi yung execution niyo halos pareho.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results