Lovi Poe on acting opposite real-life BF Rocco Nacino: “Mahirap palang kaeksena ang totoo mong boyfriend.”

Lovi Poe narrates why she finds it hard acting opposite real-life boyfriend Rocco Nacino: “I thought okay lang, but it’s harder to look at him as someone who’s hurting you or something, 'coz he’s not—so far.”



Dahil wedding scene ang kinukunan, naka-wedding dress si Lovi nang nagpunta ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa taping ng Beautiful Strangers sa Nuestra Senora de Gracia Church sa Guadalupe noong September 16.

Pero ayon kay Lovi, sa eksena raw na kukunan nila, hindi matutuloy ang kasal nila ni Benjamin Alves.

“Hindi natuloy based on the script pero may kakaibang twist. Sobrang saya ko, kasi ang galing ng mga writers namin.

“Every week, parang may revelation, ang daming nagaganap. So far, my best soap, my favorite,” saad pa niya.


HEART'S CHARACTER TAKES REVENGE. Naghihiganti ang karakter ni Lovi sa serye. Pero ngayon, mukhang magkakabaligtad na at si Heart Evangelista naman ang maghihiganti.

Ayon naman kay Lovi, “It’s hard to say kasi, iba yung in-expect namin. Yun nga ang maganda kasi, unpredictable.

“Yung hair ko mag-iiba on a certain week, magtsi-change lahat. Si Heart, strong. Strong ang character ni Heart.

“Actually, siya ang unang palaban dito hanggang sa magiging fighter kami.

“Maganda yung mga mangyayari kay Heart this following week.

“Challenge kay Heart at sabi ko sa kanya, 'Heart, kayang-kaya mo 'yan.'”


WORKING WITH ROCCO. Kahit magka-away na sila sa serye at ang real-life boyfriend ni Lovi na si Rocco ay ang love interest din ni Heart sa Beautiful Strangers, sa totoong buhay ay suportahan daw silang dalawa.

“Nagyayakapan kami bago kami mag-away.

“Magha-hug kami para makaiyak kaming dalawa. Kapag maghihiwalay kami, magkaaway na kami.

“Siyempre, alam niya pinagdaanan ko, alam ko pinagdaanan niya.

“Kaya natutulungan namin ang isa’t isa. Ang mahirap, kapag kaeksena ko si Rocco. Happy kasi kami, e.

“At saka, mahirap palang kaeksena ang totoo mong boyfriend.

“First time ko kasing magkaroon ng soap, 'tapos boyfriend ko ang totoong ka-eksena ko.

“I thought okay lang, but it’s harder to look at him as someone who’s hurting you or something, 'coz he’s not—so far,” at natawa ito sa sinabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabay biro sa kanya ng ilang entertainment press, “Hugot pa more!”

“Hugot pa more!” natatawang pag-ulit niya.

CHEMISTRY WITH BENJAMIN ALVES. Sa isang banda, silang dalawa naman ni Benjamin Alves, kahit noong gawin pa lang nila ang Sana Dati, may chemistry na talaga silang dalawa.

Pagmamalaki ni Lovi, “I love Ben.

“Matagal ko na rin siyang kaibigan at kumportable rin kami sa isa’t isa and very charming pa si Ben.

“When I look at him, nakakakilig, di ba?”

Talaga, may kilig sa kanya kapag tinitingnan niya si Benjamin?

“Totoo! I mean, for me, kahit sino namang nakaka-partner mo, kailangan mong mahanap yun.

“Kailangan, you have to find that thing about him na maa-admire mo sa kanya para rumehistro sa TV na, 'Ay, ang cute niya!'”

Hindi naman nagiging dahilan yun para magselos si Rocco?

“No naman. They’re friends naman. And I’m sure with Rocco, he’s like that also,” pagklaro niya.

Masaya raw silang lahat sa set dahil sa mataas na rating ng Beautiful Strangers gabi-gabi.

Sabi nga ni Lovi, “Sobrang happy kami. 'Tapos si Direk, yung shoot niya, parang pelikula talaga. Ang ganda ng mga shots ni Direk.

“Kinukulit namin yung mga writers every week.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN