Heart Evangelista on kissing Rocco Nacino, real-life boyfriend of Lovi Poe: "Nau-awkward pa rin talaga ko.”



Ayon kay Heart Evangelista, marami na raw mangyayari sa kanyang karakter bilang Kristine sa GMA-7 primetime series na Beautiful Strangers.

Makukulong siya, matatanggalan ng lisensiya bilang doktor, kaya mapapanood ng mga tao na siya naman ang maghihiganti.

Kuwento ni Heart, “Magkakabaligtad na kami ni Lovi [Poe].

“Ang ganda ng story. Every day, para siyang weekend.”

Dahil palaging intense ang mga eksena nila ni Heart, nagyayakapan ang mag-best friend bago mag-take.

Dagdag ni Heart, “Naghu-hold hands kami, nagha-hug kami.

"Masayang katrabaho mo yung mga kaibigan mo, kasi ang dali-dali lang.

“Kahit yung sa sampalan, sobrang strong yung relationship namin.

“Minu-motivate pa namin ang sarili namin para ibigay namin yung 100 percent. Talagang group effort siya, lahat kami.”

Nagkakaiyakan daw sila ni Lovi kapag nagyayakapan sila bago mag-take.

Saad ni Heart, “Napi-feel niya ang role ko, napi-feel ko ang role niya.

“Siyempre, even if magkaaway kami, naging magkaibigan din naman kami sa story.

“There’s still this feeling that we love each other. Dahil sa paghanga, dito kami napunta.

“So very interesting kasi maraming layers yung emotion.”


CONFRONTATION SCENE. Relaxed lang ba si Heart dahil napunta kay Lovi ang mas challenging role sa Beautiful Strangers?

“Ito na yung challenge!” natawang sabi ni Heart sa presscon ng teleserye.

Ano ang komento ni Heart sa pag-trending ng confrontation scene nila nina Heart, Lovi, at Rocco Nacino?

“Nag-trending siya, ang sarap nilang sampaling dalawa!” natatawang sagot ni Heart.

Dagdag niya, “E, kasi ngayon lang naman ako nagkaroon ng character na gray.

“Palagi akong api. So refreshing siya para sa akin na may pinaglalaban din naman siya.

“Gusto mong magalit sa kanya, pero hindi ka magalit sa kanya dahil meron din naman siyang pinagdadaanan. May pinaglalaban din siya.”

Si Rocco ang love interest ni Heart sa serye. Pero naunang nagkaroon ng relasyon ang mga karakter nina Rocco at Lovi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung si Heart ang masusunod, mas gusto raw niyang ang mga karakter nina Lovi at Rocco ang magkatuluyan.

“E, kasi, nauna naman silang nagmahalan. Para sa akin, sana yun na lang,” paliwanag niya.

Naiilang daw si Heart na siya pa ang kahalikan ni Rocco na boyfriend ni Lovi sa totoong buhay.

“Nau-awkward pa rin talaga ko,” natatawang pag-amin ni Heart.

Dugtong niya, “Kahit yung mga kaibigan kong non-showbiz, sinasabi nilang, 'Ang weird-weird niyong tingnan na kayong dalawa ang naghahalikan.'

“Kasi nga, alam naming sila ni Lovi [at Rocco ang magkasintahan sa totoong buhay]. Pero si Lovi kasi, very open-minded din. So, nawawala ang hiya.”


FELIX MANALO MOVIE. Kasama rin si Heart sa Felix Manalo movie, kung saan ang role niya ay ang kontrobersiyal na ina ng mga Manalo na si Ka Zeny.

“Pero period film siya kaya hindi yung present na nangyari [ang ipapakita]. Three days lang din naman akong nag-shooting dun,” saad ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN