Yaya Dub to finally speak in Kalyeserye?

Tila nabunutan ng tinik ang AlDub Nation nang malaman nilang walang masamang nangyari kay Yaya Dub pagkatapos ng first date nila ni Alden. Pero sa pagtatapos ng Kalyeserye ngayong araw ay nawalan ng malay si Yaya Dub, pero may narinig na nagsalita ng "Lola." Ito na kaya ang tamang panahon para marinig natin ang totoong boses ni Yaya Dub?


Mukhang malapit na ang tamang panahon para marinig ang totoong boses ni Yaya Dub.

Sa episode ng Kalyeserye ng Eat Bulaga! ngayong araw, September 21, ay nalaman na kung ano ang nangyari kay Yaya Dub (Maine Mendoza) pagkatapos ng first date nila ni Alden noong Sabado, September 19.

Matatandaang natapos agad ang first date nina Alden at Yaya Dub nang tumunog ang alarm clock sa dalang bag ni Yaya Dub, bilang paalala na kailangan na niyang painumin ng gamot si Lola Nidora (Wally Bayola).

Dali-daling umalis si Yaya Dub at sumakay ng kotse, pero biglang may narinig na tila bumanggang sasakyan.

Napuno ng pag-alala ang mga tagasubaybay ng Kalyeserye kung ano ang nangyari kay Yaya Dub.

Lalo pa silang nag-alala nang dumating si Lola Nidora nang mag-isa at umiiyak habang inaalala ang nangyari kay Yaya Dub.

Pero ilang sandali lang ay lumabas si Yaya Dub, na may benda sa kanyang ulo, at nagsayaw pa nga.

Pagkatapos nito ay ikinuwento ni Yaya Dub, sa pamamagitan ng pagmuwestra, kung ano ang nangyari sa kanya.

Pagsakay niya raw ng kotse ay sumalpok ang kanilang kotse sa isang tricycle.

Tumama ang ulo niya sa batok ng driver sa harapan, at nasugatan ito dahil nakalagay sa may likod ng batok ng driver ang shades nito.

Bagamat maayos na ang kalagayan ni Yaya Dub at masaya siya na muli silang nagkita at nakapag-Dubsmash ni Alden, may pagkakataong sumasakit ang ulo niya.

Samantala, parehong nabitin sina Alden at Yaya Dub sa kanilang first date.

Kaya naman hiniling ni Alden kay Lola Nidora kung puwedeng mag-date sila ulit ni Yaya Dub.

Pumayag naman si Lola Nidora at sinabing hindi na sa tamang panahon, kundi sa "bilang na panahon" o sa madaling panahon na ito mangyayari.

Sa bandang huli, habang nag-uusap sina Lola Nidora at Lola Tidora (Paolo Ballesteros) ay may narinig silang tumawag ng “Lola…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos nito ay nakita nila si Yaya Dub na nakahandusay sa upuan at walang malay, kaya agad-agad nila itong dinala sa ospital.

Pero malinaw raw nilang narinig na may tumawag sa kanila ng “Lola.”

Ito kaya ang epekto ng pagkakabagok ng ulo ni Yaya Dub? Makakapagsalita na nga kaya siya nang normal?

Mensahe naman ni Alden para kay Yaya Dub: "Huwag mo naman akong masyadong pag-alalahin. Get well soon. Aldub you."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN