Jericho Rosales and Kristine Hermosa reunite in coming episode of "Maalaala Mo Kaya"


Former sweethearts Jericho Rosales and Kristine Hermosa will work together again after a long time in a special episode of Maalaala Mo Kaya.


Nakatanggap ng text message ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, May 29, tungkol sa pagpayag ng young actor na si Jericho Rosales na muling makatrabaho ang ex-girlfriend at dating ka-love team na si Kristine Hermosa. Ayon sa text message, "It's official...Jericho Rosales & Kristine Hermosa will be featured once again in a special episode of Maalaala Mo Kaya. Echo just said yes!"

Maalaalang nabalita na ang tungkol sa pagsasama ng ex-couple sa isang soap ng ABS-CBN. But that time, hindi pa masyadong solved pareho sina Jericho at Kristine. Isa nga raw sa kanila ang hindi masyadong interesado sa planong pagsamahin sila na hindi tinukoy kung sino.

Inalam agad ng PEP sa isang source na may kinalaman sa proyekto kung kailan magte-taping sina Kristine at Jericho, kung kailan ang airing, at sino ang direktor sa kanilang reunion project. Ang sagot sa PEP, hindi pa umabot sa gano'n ang usapan. Storyline pa lang daw, pero ipaaalam din agad.

Sunod na tanong ng PEP sa source kung susunod sa Maalaala Mo Kaya ang soap nina Kristine at Jericho at pelikula sa Star Cinema. Ang natanggap na sagot namin ay mauuna ang pelikula at saka isusunod ang soap.

Kababalik lang ni Jericho mula sa Malaysia para sa taping ng soap na A Time For Us nila ng Malaysian actress na si Carmen Soo. Noong isang araw lang daw na-present sa kanya ang mga susunod niyang projects sa ABS-CBN. Kasama nga rito ang episode sa MMK, soap, at movie.

Curious lang ang PEP, kung nagkataong hindi nag-break sina Jericho at Heart Evangelista at kung sina Kristine at Diether Ocampo pa rin, naging posible kaya ang reunion nina Jericho at Kristine?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN