Arjo Atayde admires Ang Probinsyano co-star Coco Martin??s humility

Arjo Atayde on working with good actors: "Alam mong mas marami siyang alam sa 'yo, kailangan mong mag-level up. Kailangan mong hatakin ang sarili mo para makasabay ka."


First time gaganap na kontrabida ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde.

Siya ang mahigpit na kalaban ng karakter ni Coco Martin sa Ang Probinsyano, angpinakabagong primetime series ng ABS-CBN.

Grabe raw ang training na pinagdaanan ni Arjo bilang pulis, na siya ring papel ni Coco sa teleserye.

Saad niya, “Solid, grabe yung training. Kung paano ang ginagawang training sa pulis, ganun din kami.

“Although yung pagiging masama ko naman dito, may rason naman. Hindi naman siya yung typical na masamang tao, may rason.

“So far, hindi pa naman ipinapakita kaya malalaman natin later on. Pero sa mga nagawa kong roles, ito na talaga ang pinaka-masama.”

Gusto ba ni Arjo ang karakter niya?

Sagot niya, “Nakaka-stress.

“Kasi, first of all, yung mga kasama ko, hindi ka naman puwedeng pumasok sa set na okey na ako. Kailangan pumasok ka sa set na handa ako.

"This time, kailangan double effort ka.

“Yung mga kasama mo sa set, sina Coco, Ms. Susan Roces, Albert Martinez, Agot Isidro, Jaime Fabregas, Art Acuña, how can you go to the set when you’re not prepared?

“Double the preparation with what you’re doing.

“Hindi ko naman sinasabi na there’s a certain artist na hindi ko pinaghahandaan. Each and every artist, pinaghahandaan ko.

“It’s just that here, of course, alam mong mas marami siyang alam sa ‘yo, kailangan mong mag-level up.

"Kailangan mong hatakin ang sarili mo para makasabay ka.”

COCO MARTIN. Todo-puri rin si Arjo sa kabaitan ni Coco.

“The Best! Sobra, napakabait na tao, wala akong masabi.

“Hindi siya nahihiyang... you know, he’s such a humble person na hindi siya nahihiyang sabihin sa akin, halimbawa, after the scene na sabihin sa akin na magaling ka.

"If magaling ka, he will acknowledge you.

“Hindi siya nahihiya kaya sabi ko, may artista pa palang ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di ba, lahat naman ng artista sa ABS, may certain friendly competition ‘yan?

"Kung leading man ka, hindi mo sasabihan sa leading man na ang galing mo."

Napatawag nga raw si Arjo sa kanyang ina na si Sylvia Sanchez sa sobrang saya dahil pinuri siya ni Coco sa ipinakitang pag-arte sa Ang Probinsyano.

“Sabi ko, sobrang bait naman nito. Sobra.

“Tapos, nasa set pa kami, halimbawa, military. Hindi ako puwedeng mag-bend, e, ang layo ng wardrobe.

“Yuyuko si Coco at tatalian ang sapatos ko. Sobrang bait.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN