Dingdong Dantes on StarStruck VI: "Yung feeling na nakuha ko nung season 1, same."



Season 1 pa lamang ng StarStruck ay napapanood na at kilala na ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes bilang host ng show.

Pero sa kasalukuyang StarStruck Season 6, bukod sa pagiging host, isa rin si Dingdong sa mga council o judges kasama sina Joey de Leon, Jennylyn Mercado, at Regine Velasquez.

Sa pagkakataong ito, inamin ni Dingdong na sa kabila ng excitement na nararamdaman niya para sa mga 28 hopefuls, ang 14 contestants ng Dream at 14 contestants ng Believe, nakakaramdam daw siya ng kaba.

“Actually, bukod sa excited, ako ang may kaba. Ayoko namang mag-judge ng mga kabataan na alam kong yun ang pangarap nila.

“At magiging isa ko sa kikitil sa pangarap nilang yun.”

Nahihirapan daw siyang talaga kapag kailangan na niyang mamili ng para sa kanya ay dapat na matanggap at hindi na makasama o ma-eliminate.

Sabi pa ni Dingdong, “E, dati, nag-e-eliminate lang ako sa utak ko, ‘di ba?

“Ngayon, biglang kailangan kong magsabi kung ano ang input ko. Well, that’s part of it, so, enjoyin ko na lang.”

Dugtong pa niya, “Pero yung feeling na nakuha ko nung season 1, same. Same yung feeling na yun. Nagbalik.

“I can feel the fever will definitely come back.”

Nakararating din naman kay Dingdong na maganda ang feedback ngayon sa mga pumasok sa Dream 14 at Believe 14.

“Malaki ang expectation sa kanila kaya alam mong pinili talaga sila ng maayos. Alam mong ang pagsusuri sa kanila, kakaiba,” saad niya.

Noong ginanap ang StarStruck Live kunsaan, anim ang natanggal na at hindi na makakapasok sa Top 14.

Lamang ang Dream 14 at sila ang tinawag na winning team kung kaya’t dalawa lamang ang na-eliminate sa kanila, habang apat naman ang na-eliminate sa Believe 14.

Ang mga na-eliminate ay sina Alyssa de Real, Prince Clemente, Claire Vande, Arjan Jimenez, Marion Garcia, at April Scott.

Kinamusta namin si Dingdong kung meron na rin siyang mga “bet” ngayon sa StarStruck Season 6 hopefuls.

“Ah wala pa, wala pa. Maaga pa,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN