Bela Padilla says about Coco Martin: "Magaling siyang mag-alaga sa co-actors.”

by Nonie Nicasio
Sep 29, 2015
Bela Padilla is glad that Coco Martin is her leading man: "Sobrang thankful ako na sa unang project ko sa ABS-CBN, siya yung nakatrabaho ko." She is cast as the wife of Coco's character in Ang Probinsyano.


Aminado si Bela Padilla na workaholic siya, kaya sobra siyang thankful sa sunod-sunod niyang projects.

Sa pelikula, katatapos lang niya ng Felix Manalo na pinagbibidahan ni Dennis Trillo. Ginagawa rin niya ang Tomodachi na tinatampukan nina Jacky Woo at Eddie Garcia.

Kabilang rin si Bela sa ABS-CBN teleserye na Ang Probinsiyano, na tinatampukan ni Coco Martin.

Ayon kay Bela, utang niya kay Joel Lamangan, direktor ng Tomodachi at Felix Manalo, ang pagkakasali sa mga pelikulang ito.

“Nag-work na po yung mga dasal ko. Sobrang thankful ako dahil ito na yung hinihintay ko.

“Parang it just goes to show na talagang ‘pag siguro maganda yung work ethic mo, kapag matiyaga ka at pinagbubuti mo yung trabaho mo, darating at darating yung deserve mo.

“Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga natanggap ko this year.

“Kasi nga sunod-sunod at magaganda iyong mga projects. Gusto ko na lang isipin na siguro ay may nagawa akong tama, kaya nakukuha ko lahat ito ngayon.

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, “Nae-excite po ako, kasi workaholic ako. Gustong-gusto ko na ganito, na busy ako. Kapag wala akong ginagawa sa bahay, doon ako nalulungkot. Ayaw ko ng more pahinga, gusto ko ay more work.

“Nagpapasalamat ako na nabibigyan ako ng maraming magagaling na katrabaho. Nagpapasalamat ako kay Direk Joel dahil siya naman ang naglagay sa akin sa movie na ito.

“Ibang experience din ito sa akin, kasi iyong Felix Manalo ay ipapalabas din sa U.S. at Hong Kong and etong movie namin ni Jacky, ipapalabas din sa ibang bansa.

“Gusto kong makita yung reaction nila kapag nakapanood sila ng Filipino movies. Kasi alam ko, lagi tayong napapansin sa mga film fest sa abroad dahil magaganda ang mga pelikulang Filipino.

“So, to be part of a project like that, of course, it’s an honor for me.”

Inamin ni Bela na natulala siya sa galing ni Coco bilang artista.

“Masarap siyang katrabaho, siguro dahil alam naman nating lahat na mahusay siya, ang sarap niyang panoorin. Minsan sa eksena ang nangyayari, napapanood ko na lang siya.

Continue reading below ↓

“So ikaw bilang artista, macha-challenge ka rin. Kaya kailangan lagi kang ready.

“You should always be alert and aware sa karakter mo, sa eksena mo, para hindi ka napag-iiwanan.

“Oo, napapatulala ako sa galing ni Coco and nakakatuwa, kasi yung galing niya ay hindi niya sinasarili.

“Tutulungan ka niya para ma-achieve mo rin, tutulungan ka niya para gumaling ka rin, para siguro makasabay o makapantay ka.

“So naa-appreciate ko iyon. Sobrang thankful ako na sa unang project ko sa ABS-CBN, siya yung nakatrabaho ko.

“Kasi magaling siyang mag-alaga sa co-actors.”

May pressure ba na katrabaho si Coco?

Tugon ni Bela, “Siyempre po mayroong certain level of pressure, hindi galing sa kanila, pero more of galing sa sarili ko.

“Na, I really wannna do well. Kasi, yun nga, unang-una pinagkatiwalaan ka ng magandang proyekto.

“May mga tao na naglagay sa akin dito, may mga tao na naniwala sa akin. So, ayaw ko silang mabigo.

Continue reading below ↓

“So yung pressure is more of from myself, na I wanna do well, not from them.”

Read Next
Read More Stories About
Bela Padilla, ang probinsyano
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bela Padilla is glad that Coco Martin is her leading man: "Sobrang thankful ako na sa unang project ko sa ABS-CBN, siya yung nakatrabaho ko." She is cast as the wife of Coco's character in Ang Probinsyano.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results