Coco Martin receives FPJ Memorial Award from FAMAS

Coco Martin on what Fernando Poe Jr. is to him: "Dati hinahangaan po namin ng lola ko si FPJ. Ngayon po ginawaran ako ng karangalan sa pangalan po ni Fernando Poe Jr."



Hindi natanggap nang personal ni Coco Martin ang FPJ Memorial Award na iginawad sa kanya ng FAMAS noong Setyembre 20 dahil may provincial tour siya sa Naga City para sa pinagbibidahan niyang bagong primetime teleserye sa ABS-CBN, Ang Probinsyano.

Napasakamay ni Coco ang kanyang tropeyo sa presscon ng Ang Probinsyano noong Setyembre 21 sa 9501 restaurant ng ABS-CBN compound.

Dito siya nagkaroon ng pagkakataong magpasalamat sa FAMAS at sa biyuda ni FPJ na si Susan Roces, na present sa presscon dahil kabilang din ang Queen of Philippine Movies sa powerhouse cast ng Ang Probinsyano, na TV adaptation ng pelikulang may kaparehong titulo na pinagbidahan ni Fernando Poe Jr. (FPJ) noong 1997.

Sabi ni Coco, “Gusto kong magpasalamat sa FAMAS, at humihingi rin ako ng paumanhin dahil hindi po ako nakarating dahil may commitment lang po sa Naga.

“Pero ganunpaman po, sobrang laking karangalan po ito para sa akin.

"Siguro sa napakabatang panahon ko pa lang po sa industriya, nabigyan ako ng ganitong kalaki at klaseng award.

“And then, sabi ko nga po, dati hinahangaan po namin ng lola ko si FPJ.

"Ngayon po ginawaran ako ng karangalan sa pangalan po ni Fernando Poe Jr.

“At sana po bilang artista, yung mga bagay na kanyang sinimulan, mga adhikain niya para sa ating industriya, sana maging daan din po ako para makatulong sa ating lahat. Maraming-maraming salamat po.”

Ayon kay Susan, deserve ni Coco ang naturang award.

Paliwanag ng maybahay ni FPJ, “Ang karangalang iyan mula noong pumanaw si FPJ ay naisipan namin [para] bigyan ng karangalan ang mga tao lalo na sa industriya na nagsasabuhay sa mga adhikain ni FPJ.

“At sa taong ito, si Coco ang karapat-dapat na tumanggap niyan.

"Congratulations, Coco!"



CLOSENESS. Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kina Coco at Susan kung extra special ang Ang Probinsyano sa kanila dahil bukod sa pagiging mag-lola nila rito, close talaga sila sa totoong buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Susan, “Ginawa namin ni Coco… naging bahagi ako ng teleseryeng Walang Hanggan.

"Iba ang personalidad ni Coco doon, iba ang personalidad niya dito [sa Ang Probinsyano].

“Bilang fellow actor, ang masasabi ko, napaka-humble ni Coco.

"Sa stature niya bilang Teleserye King at popular na aktor sa pelikula, he made a name for himself in films and also in indie movies.

“He has honed his talent as an actor, from basic raw performance in indie films. Katulad ng sabi niya, no acting sa indie films.

“Kahit marumi iyan, kung kailangan mong mag-dive, mag-dive ka riyan.

"Makatotohanan palagi, na kadalasan ninenerbiyos ako pag ginagawa niya iyon, dahil puwede namang hindi.

“Masarap katrabaho si Coco, he goes out of his way to say, ‘Good morning!’ or greet us, or have a warm conversation at the start of the day.

“Very considerate actor. He’s always concerned especially about my age, about the late-night shooting, that he gives way, ‘O, unahin niyo na muna si Tita Susan.’

“Ang term of endearment niya sa akin, at siya lang ang pinapayagan ko na tawagin akong ‘Lola,’ na malutong na malutong na ‘Lola.’”



PRAISES FOR SUSAN ROCES. Puring-puri rin ni Coco si Susan.

Sabi ng Kapamilya actor, “Kay Tita Susan naman po, honestly hindi lang po talaga sa akin. Buong set talaga siya po yung nanay namin.

“Talagang sobra niya po kaming inaalagaan.

"At parang laging fiesta, kasi talagang maya’t maya, breakfast, lunch, dinner, talagang inaalagaan ka niya.

“And then kami ni Kuya Dennis [Padilla], pag may time po talaga kami, may problema, o whatever kung anuman po yung naisip namin, pupuntahan namin siya sa tent niya.

“Makikipag-one-on-one po kami, magkukuwentuhan.

"And then, sabi ko nga po, kung mayroon man si Tita Susan na hindi matatawaran, yung wisdom niya bilang isang tao.

“Grabe, pag nagsalita siya, kahit napakabigat ng problema mo, maliliwanagan ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko maipaliwanag, pero sabi ko nga, iba siya, e, iba pag nandoon siya sa totoo.

“Kung ano yung totoo at kung ano yung tama. Ganun po siya, e.”

Tapos, biglang sumingit si Susan at nagbiro, “Coco, tama na. Baka sabihin nila mayroon tayong mutual admiration sa isa’t isa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN