Will Albert Martinez reunite with Yen Santos for All of Me?



Narinig na raw ni Albert Martinez ang bali-balitang babalik siya para sa character niyang si Manuel sa afternoon soap opera na All of Me.

Pero agad niyang nilinaw na wala pang kasiguraduhan ito.

“'Yong sa All of Me kasi, ang talagang [role] ko doon ay sa pilot [week] lang. 'Yong tumatakbo ngayon, ito na 'yong aktong...” sabi ni Albert sa press conference ng Ang Probinsyano kagabi, September 21.

Dagdag pa niya, “Depende kasi 'yon sa situation namin. Ang problema kasi ay schedule.

“Tingnan natin kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw.”

Kung sakali, may posibilidad na makasabay ng trabaho niya para sa Ang Probinsyano kung babalik siya sa All of Me.

Hindi naman daw ito problema, ani Albert, “Kapag naayos 'yon, why not? It's a beautiful project. Maganda naman 'yong istorya no'ng soap.”

Sa huli, inulit na lamang ni Albert, “Hintayin na lang natin ang mga susunod na kabanata.”

Si Albert ay gaganap na ama ng karakter ni Arjo Atayde sa bagong primetime series na Ang Probinsyano, na magsisimula sa Lunes, September 28, sa ABS-CBN Primetime Bida.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN