Diego Loyzaga reveals difficulties of being third wheel to Kathniel loveteam

Diego Loyzaga (right) says he finds it difficult to portray the character hindering the love story of Yna (Kathryn Bernardo) and Angelo (Daniel Padilla) in Pangako Sa 'Yo.



Inamin ni Diego Loyzaga na nahihirapan siya sa love triangle ng karakter niya at nina Daniel Padilla at Kathryn sa Pangako sa ‘Yo.

“Kahit sino po ang third wheel ninyo kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, mahirap po. So yes po.

“It has its struggles. No matter what, silang dalawa para sa akin or para sa buong bayan ang best love team.

“I’m not saying na hindi sina Kim Chiu and Xian Lim or anything [ang the best love team]. Alam naman ninyo naman na patok na patok ang KathNiel [Kathryn-Daniel loveteam] so mahirap.

“Ngayon ang role ko, nag-iba na. Hindi na masyadong tumi-third wheel kasi nga talagang I have a line there na, ‘Ang hirap palang lumaban pag wala ka talagang kalaban-laban.'

“That was my line and that’s how really it is.”


REACTION TO BASHERS. May nagba-bash ba kay Diego dahil sa pagiging third wheel niya kina Kathryn at Daniel, ang gumaganap na Yna at Angelo sa PSY.

Sagot ni Diego, “Meron naman po. Lahat naman po ng mga artists…I love my bashers. I actually love my bashers.

“Kasi they tell me kung saan ako nagkukulang, e. Doon ako nagpu-focus.

“If they tell me na my acting is wrong, doon ako magpu-focus. If they tell me may pagka-pangit ang Tagalog ko, if I used wrong words. Pina-praktis ko Tagalog ko.

“If they say I don’t look good, sorry, eto lang ako, e.”

Hindi gusto ni Diego ang pagpuna o pamimintas sa kanyang pamilya.

“Well, they say things based on what they see maybe or hear in the media. But they’re not in my familiy, they don’t see what’s going on.

“So there’s this saying from a Disney movie, ‘If you have nothing good to say, don’t say nothing at all.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa mga bashers, if you wanna talk bad about me, fine, sige. But if you talk bad about my family, you don’t know my family.

“Everyone goes with different things. Everyone has their own problems.

“Pangit lang na pasukin ‘yan kasi I have three little sisters.

“Isipin mo na lang pagtanda nila, with this stuff going on now, and how they’re gonna accept it.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN