Coco Martin admits he wanted to do another TV project before choosing Ang Probinsyano

Coco Martin recalls, "Bata pa lang ako, ang lola ko, wala na kaming ginawa kundi manood ng mga movie nina FPJ at saka ni Nora Aunor."



Aminado si Coco Martin na may iba sana siyang teleseryeng gagawin sa ABS-CBN bago pumasok ang ideya na gawin niya ang Ang Probinsyano.

Ito ang TV adaptation ng pelikulang may kaparehong titulo na pinagbidahan ni Fernando Poe Jr. noong 1997.

Ipinaliwanag din ni Coco kung bakit sa dinami-dami ng mga pelikula ni FPJ ay ito ang napili nilang gawin.

“Kasi po noong kinausap po kami ni Ma’am Charo [Santos-Concio], and then ang sabi po kasi niya, ‘Bigyan natin ng halaga at panahon ang ating mga kapulisan naman, na maibalik ang pagmamahal at respeto ng mga tao.’

"And then noong nag-iisip po kami, binubuo po namin, ano kaya ang magandang kuwento ng mga kapulisan na bago nating maihahain sa ating mga manonood. Isip po kami nang isip, tapos biglang parang may pumasok po sa isip ko na, bakit kaya hindi natin gawin iyong isa sa mga pelikula ni FPJ, sabi ko. Bakit hindi natin gawin iyong Ang Probinsyano?

"Kasi sabi ko nga po, bata pa lang ako, ang lola ko, wala na kaming ginawa kundi manood ng mga movie nina FPJ at saka ni Nora Aunor. Tapos iyon nga po nung sinabi ko sa kanila, pinanood po nila. And then noong nakita nila yung kuwento, nakita nila na ang daming interesting, kumbaga napakadali niyang gawing soap opera. And then doon na nagsimula yung collaboration namin.

"Ang unang worry nga po namin noon ay kailangan po naming ipaalam kay Tita Susan [Roces], kung papayag po sana siya. And then bago po kasi mangyari iyon, may iba po kasing soap opera talaga kaming nakabuo para sa akin. Pero mas pinili po talaga ni Ma’am Charo na bigyang halaga yung kapulisan po natin. Kaya ito po iyong proyektong natuloy po sa akin.”

Ito ang naging pahayag ni Coco sa presscon ng Ang Probinsyano.



MORE FPJ PROJECTS? Ngayong ginagawa niya ang Ang Probinsyano, may plano ba si Coco na gumawa ng iba pang proyekto ni FPJ?

“Unang-una po, siyempre pinagpe-pray ko na sana magustuhan po ng ating mga manonood itong Ang Probinsyano. And then siguro after that, doon po ako magkakaroon ng lakas ng loob para po gumawa pa ng iba’t ibang pelikula ni FPJ. Sa blessing din po iyan ni Tita Susan.

"Pero sabi ko nga po, sino bang artista ang hindi nangarap na gampanan ang mga pelikulang ginawa po ni FPJ? Kung mabibigyan po ako ng napakaraming pagkakataon, napakasuwerte ko na po nang sobra-sobra,” ani Coco.


MIXED FEELINGS. Samantala, magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ni Coco sa pag-ere ng Ang Probinsyano nitong Lunes, September 28.�

Pero proud na proud ang Kapamilya star sa proyektong ito.

“Siyempre para sa akin po napakalaki ng proyektong ito, kumbaga parang napakalaki ng nakaatang sa balikat ko. Pero sa kabila po noon, napa-proud po ako nang sobra-sobra dahil una, iyong values po na maibibigay namin sa mga manonood, plus siguro iyong quality na every time may inihahain po kami sa mga manonood para ma-appreciate naman nila. And then, sabi namin bilang pasasalamat namin sa suportang ginagawa nila sa aming mga artista, ito po iyong inihahandog namin sa kanila.”

Kabilang din sa powerhouse cast ng Ang Probinsyano sina Ms. Susan Roces, Maja Salvador, Arjo Atayde, Albert Martinez, Agot Isidro, Bela Padilla, Jaime Fabregas, Joey Marquez, Dennis Padilla, Ana Roces, Malu de Guzman, Pepe Herrera, Zaijian Jaranilla, at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN