Former actress Cherrie Madrigal will get a surprise in "Wish Ko Lang"

by Dinno Erece
Jun 5, 2008
Vicky Morales will give former sexy star Cherrie Madrigal a big surprise in the GMA-7 show Wish Ko Lang, which airs this Saturday, June 7.


A third former sexy star will be given another chance by the GMA News and Public Affairs show Wish Ko Lang.

Nagiging sandigan ang long running and award winning public affairs show ni Vicky Morales every Saturday hindi lang ng mga maliliit na tao kundi pati mga dating artista na kinalimutan na ng kanilang publiko.

Maraming dating artista na ang natulungan ng Wish Ko Lang at ang ilan sa mga tumatak ay sina Berting Labra na binigyan ng kung ilang shows and guest appearance ng GMA-7 at ang sexy star na si Olivia Ortiz na binigyan ng isang fruit stall.

Just recently, another former sexy star Pamela Ortiz was given another shot in showbiz when her life story was featured in Wish Ko Lang. Raring to return to acting, binigyan ng isang role si Pamela sa Sine Novela: Magdusa Ka nina Dennis Trillo at Katrina Halili. The role of a maid named Esme may be small at first kapag pumasok siya sa serye nguni't malaki ang magiging papel niya sa kuwento later on.

Continue reading below ↓

Tomorrow, yet another former sexy star will be featured at tutulungan ng Wish Ko Lang, si Cherrie Madrigal.

Lumaki sa loob ng kumbento ang ulilang si Marivic Koymnas ngunit nakatawag pansin pa rin ang kanyang ganda at pigura. Kontra at lihis man sa nakagisnang mundo, ang dating Marivic ay naging Cherrie Madrigal na sumikat sa mga pelikulang bold, tulad ng Selos, G.I. Baby, at Ibigin Mo Ako nang Higit sa Lahat, na lahat ay pinalabas noong 1987. Cherry was paired with the very first Body Shot male winner Michael Alfers in one of her controversial movies in the eighties.

Tulad ng ibang nahalina ng showbiz, akala ni Cherrie ay hindi na magwawakas ang maayos niyang kita at masiglang karera. Pero makaraan ang ilang taon, humina ang mga alok at tuluyan nang nawala ang ningning ni Cherrie. Naging asawa niya ang dating bodyguard at ngayo'y nagsusumikap na buhayin ang tatlong supling.

Continue reading below ↓

Susupresahin siya ng Wish Ko Lang na mapapanood sa GMA-7 ngayong Sabado, June 7, sa ganap na 4:30 ng hapon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vicky Morales will give former sexy star Cherrie Madrigal a big surprise in the GMA-7 show Wish Ko Lang, which airs this Saturday, June 7.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results