Billy Crawford hopes Pilipinas Got Talent will return on ABS-CBN

Billy Crawford (in photo) hopes Pilipinas Got Talent will return on ABS-CBN so he can host once again with Luis Manzano.



Masaya at excited si Billy Crawford sa kanyang bagong game show na magsisimula nang umere ngayong Sabado, September 26, 6 P.M., sa ABS-CBN.

Ito ay ang Celebrity Playtime.

Ayon sa kanya, napakalaking karangalan ang mabigyan ng tatlong shows kung saan mapapanood siya halos araw-araw: ang It’s Showtime, Your Face Sounds Familiar, at Celebrity Playtime.

“I’m really, really excited, I’m really happy na binigyan ako ng opportunity again to do what I enjoy.

“Nakakahiya na nakaka-overwhelm, to be given the chance na mapanood [ako sa TV] three times in one day pero iba-iba yung shows. It’s a big opportunity talaga.”

Kinuwento ni Billy ang concept ng Celebrity Playtime.

“We have over forty games. [Pero] Di naman sobrang concentrated lang sa games itong show na ito. Mas makikilala ninyo nang maayos ang contestants namin every week.”

Maglalaban-laban sa pilot episode ang Team Your Face Sounds Familiar at Team Lucky Stars ng Deal or No Deal.

Hindi kaya magkapikunan ang contestants?

Sagot ni Billy, “Yung team of Your Face Sounds Familiar, nandun si Melai [Cantiveros], si EA [Edgar Allan Guzman], si Nyoy [Volante] at si Karla [Estrada].

“Tapos sa Team Lucky Stars naman, sa Deal or No Deal we have Eric [Nicolas], Long Mejia, Kuya Dennis [Padilla] and Epy Quizon.

“Nagkakagulo lang naman sila na nage-enjoy, di naman sila nagsasakitan. Wala namang pikunan, basta bawal ang pikon at walang basagan ng trip.”

May mga nagsasabi na may similarity ang Celebrity Playtime sa GMA-7 noontime show na Sunday Pinasaya. Ngunit, ayon sa business unit head na si Lui Andrada, na-conceptualize nila ito bago pa umere ang Sunday Pinasaya.

(Read: Celebrity Playtime host Billy Crawford downplays competition with Sunday Pinasaya and other game shows)


RETURN OF PILIPINAS GOT TALENT? Hindi kaya magkaroon ng kompetisyon sa pagitan nila Luis Manzano at ni Billy dahil pareho silang host?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Billy, “Actually magkaiba kami ni Lulu Boy [Luis], e. Si Luis kasi talagang iniidolo ko bilang isang host ‘yan.

“And bilang sobrang kaibigan ko si Lulu Boy, nanghihingi ako ng tulong sa kanya.

"Nag-usap nga kami sa trade launch na kami ang nag-host. I think if God willing, babalik din ang Pilipinas Got Talent [PGT], magkasama rin kami.

“How does he help me? In all technical aspects of hosting kasi matagal ko siyang nakasama sa PGT. Four seasons kami sa PGT.

“Sobrang experienced niya as a host. Ako bilang baguhan lang din ako. Marunong siyang makinig, makuwelang tao."

Natatawang dagdag ni Billy, “Kagabi nga sinabi ko kay Lu, ‘Na-miss ko ang boyfriend ko.’”

Hindi kaya ma-overexpose si Billy sa tatlo nitong shows?

Tugon niya, “Di naman siguro. Iba-ibang shows yung mapapanood ninyo three times.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN