Apat na StarStruck hopefuls ang natanggal sa live eliminations ng nasabing show last Friday, September 25.
Mula sa 22 semi-finalists, 18 na lang magpapatuloy ng kanilang StarStruck journey. Kabilang sa mga natanggal ay sina Carl Cervantes, Faith Da Silva, Mariam Al-Alawi, at Kyle Vergara.
Kabilang din sa bottom group sina Beatriz Imperial, Chat Bornea, Koreen Medina, at Elyson de Dios.
Bago ma-reveal kung sino ang mga natanggal para sa linggong ito, inilista rin ng StarStruck host na si Kris Bernal ang apat na may pinakamababang online votes. Kabilang din dito si Beatriz at Faith at kasama niya nila sina Joemarie Nielsen at James Teng.
RECAP. “Hugot Week” ang tawag sa challenge ng mga StarStruck hopefuls para sa linggo ito. Pinapili ang bawat isa sa kanila ng talentong nais nilang ipakita—singing, acting, o dancing. Humugot din ang bawat semi-finalist sa kanilang mga karanasan at ito ang kanilang ginamit na inspirasyon para sa kanilang performance.
Bukod dito, sumailalim din sa life coaching sessions ang mga StarStruck hopefuls para sa maimprove ang kanilang self-awareness, self-discovery, at sa emotion management na magagamit nila para sa kanilang challenge for the week.
ELIMINATIONS. Hinati muna sa apat na grupo ang mga StarStruck semi-finalists bago malaman kung sinu-sino ang mga nasa bottom group.
Nagbigay din ng kanilang mga opinion ang bawat judges kabilang si Dingdong Dantes. Jennylyn Mercado, Joey de Leon, at Regine Velasquez-Alcasid sa bawat grupo base sa kanilang performance sa kanilang challenge for the week.
BATCH 1. Magkasama sina Elyson at Beatriz sa unang batch na kinabibilangan din nina Jay Arcilla, Migo Adecer, Camille Torres, at Analyn Barro.
Mula sa grupong ito, si Jay, Beatriz, at Migo ang napili ni Dingdong na umangat base sa kanilang performance.
Sabi ni Dingdong, “Alam mo, kahanga-hanga yung ginawa ninyong lahat sa linggong ito kasi normally yung pag-share nung mga bagay na ganito, e, ginagawa 'yan sa loob ng workshop.
“Pero kayo, you chose to share with us publicly kaya saludo kami sa inyo and thank you for doing that.
“It really shows your dedication sa craft na ito.
“Pero siyempre, meron mga umangat at merong nag-shine at nagbigay ng strong performances.
“At sa inyo, sa aking palagay, iyon ay si Jay, Beatriz, at si Migo.”
Napabilib din si Jennylyn sa naging performance ni Migo.
Sabi pa niya, “Para sa akin, pinanood ko sila, si Migo ang cute, cute talaga.
“Alam mo mahirap gumawa ng kanta, a, tapos ikaw mag-gigitara tapos ikaw yung kakanta.
“So malakas yung dating sa akin kasi kaya niyang lahat yun.
Samantala, kailangan pa raw ni Elyson ang ma-improve ang kanyang pagta-Tagalog upang di siya mahirapan sa industriya.
Sabi ni Jennylyn kay Elyson, “Napansin ko lang kailangan mo pang matutong mag-Tagalog.
“Yung mas fluent pa kasi siyempre hindi natin yung puwedeng gawin na kapag nagte-taping na tayo.
“Di ba mahihirapan ka, so practice pa. Kayang kaya mo 'yan.”
BATCH 2. Magkakasama naman sina Koreen, Kyle, James, Joemarie sa ikalawang grupo. Kabilang din sa second batch sina Arra San Agustin, at Princess Guevarra.
Inamin ni Regine na nahirapan siyang i-judge ang performance ng grupong ito ngunit na-impress siya sa performance ni Joemarie.
Ang buong komento ni Regine: “For this batch, medyo nahirapan ako i-judge kasi medyo yung iba, they’ve decided to sing pero medyo kailangan pa ng improvements so mahirap.
“Sa akin kasi, kapag ang talent mo singing, dapat defined na talagang kumakanta ka na.
“Mas mahirap kasi i-develop yun e.
“But the good news, if you want to be an actor, that can be taught.
“Puwede mo aralin yun and you can really be good at it.
“Para sa akin, si James at si Arra, they both look very good on TV.
“Telegenic, kumbaga artistahing artistahin talaga.
“Ang tip ko sa inyong dalawa, aralin niyo talaga ang pag-aartista, aralin niyong umarte.
“Pero ang talagang na-impress ako ay kay Joemarie, he’s a very good singer.
“At saka, kung ngayon, piliin niyang maglabas ng album or whatever, nag-gigitara pa siya, feeling ko kaya naman.”
Si Koreen and Arra naman ang napili ni Joey na umangat sa grupong ito.
Sabi pa niya, “Puwedeng mag-host, kahit ano, siguro dahil sa age nila at saka yung experience nila.
“Yung apat, medyo they need improvement pa, yun lang.
“Pero hindi ibig sabihin lota [talo] na a, hindi.
“Bata pa kayo so puwede pa, may tamang panahon.”
BATCH 3. Sa ikatlong batch naman napabilang si Faith at Mariam kasama sina Avery Paraiso, Kevin Sagra, at Nikki Co.
Hindi sinabi ni Dingdong kung sino ang maituturing niyang weakest link ng grupo ngunit inamin nito na si Avery at Mariam ang umangat para sa kanya.
Saad ng kapuso Primetime King, “Again, ayokong i-identify yung pinakamahina dahil lahat sila, binigay nila yung puso nila ditto.
“Pero ang pinaka mas umangat para sa akin palagay ay si Mariam at si Avery.”
Ito rin ang naging komento ni Jennylyn. Sabi pa niya, “Actually, pareho kami ni Dingdong, medyo na-impress din ako kay Mariam.
“Kasi nung pinapanood ko yung eksena niya, napektuhan ako.
“Na-affect ako so I was very impressed.
“Gusto ko rin si Avery although puwede pa niyang i-improve yung acting niya, kumakanta rin siya so ayun.”
BATCH 4. Kasama naman ni Chat at Carl, sa ika-apat na batch sina Liezel Lopez, Ayra Mariano, at Klea Pineda. Naging maiksi na lang ang mensahe ng mga judge para sa grupong ito.
Para kay Joey at Jennylyn, ang mga babae ang umangat sa grupong ito.
Sabin i Joey, “At this point, yung tatlong babae ang safe sa akin.
“Yung dalawang lalake ang nasa unsafe zone.”
Dagdag pa ni Jennylyn, “Pareho kami ni Kuya Joey, sa 'kin din yung mga babae.
“Lalo na nangingibabaw sa akin si Ayra and si Liezel.”