Alden Richards asked if he loves Maine Mendoza; Ayra Mariano enters Ultimate Final 14 of StarStruck 6

Alden Richards gives "kilig" tips to StarStruck 6 hopefuls: "Be yourself, eye contact, at saka yung sincerity of the feeling. Pangit yung fake. Walang nagyayare pag fake yung emotions. Minsan kasi mas magandang kinikilala niyo off-cam. You know them, you know her inside and out para kapag nagka-eksena na kayo very comfortable na kayo together."




Bumisita sa September 28 episode ng StarStruck 6 ang GMA-7 heartthrob na si Alden Richards.

Si Alden ang nagsilbing “kilig" expert ng mga StarStruck hopefuls at tinuruan ang mga boys na pakiligin ang kanilang mga kapareha.

KILIG 101. Bago sumalang sa challenge, nagbigay muna si Alden ng ilang tips kung paano mapapakilig ng boys ang kanilang mga leading ladies.

Payo ni Alden, "Be yourself, eye contact, at saka yung sincerity of the feeling.

"Pangit yung fake. Walang nagyayare pag fake yung emotions.

"Minsan kasi mas magandang kinikilala niyo off-cam.

"You know them, you know her inside and out para kapag nagka-eksena na kayo very comfortable na kayo together."

Isa pang payo ni Alden ay ang i-surprise ang kanilang onscreen partner upang lumabas ang tunay na kilig.

Sabi pa niya, "Surprise your co-actor, gulatin niyo siya.

"Gulatin niyo yung babae kung ni-rehearse niyo sa isang eksena and then, pag roll ng camera iba na yung gagawin niyo.

"Iba kasi yung dating pag surprise, e, pag genuine.

"Ewan ko, ganun po kasi yung magic ng Kalyeserye...on the spot.

"So being real, being sincere, that's the essence of kilig for me."

Sa pagpapatuloy ng kanilang pag-uusap, hindi napigilan ng isa sa mga StarStruck hopefuls na tanungin si Alden kung mahal na niya si Maine.

Pabirong sagot ni Alden, "Hindi ko pa nga nakikilala mahal agad?"

Dagdag pa niya, "Siyempre, hindi mo puwedeng masabi yung true feelings mo to a person not unless makilala mo siya in person.

"So hindi ko pa masagot 'yan...sa tamang panahon."

Tinanong naman ni Jay Arcilla si Alden kung paano malalaman kung mahal ka ng isang tao.

Sagot ni Alden, "Malalaman mong mahal ka niya kapag mahalaga ka na sa kanya and when she gives time.

"Mahal mo nga, pero susmaryosep, lagi kang nagtatrabaho, lagi kang out of town, lagi kang may project, lagi kang may shoot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi totoo yun, hindi mahal yun.

"Pag binibigyan ka ng oras, mahal ka nun."



"FAST STRUCK.
" Sa linggong ito, gagamitin na rin ng StarStruck council na kinabibilangan nina Dingdong Dantes, Joey de Leon, Jennylyn Mercado, at Regine Velasquez-Alcasid ang option nila na mag-"fast struck" ng contestant upang mapabilang sa Ultimate Final 14.

Una munang hinati sa apat na grupo ang mga StarStruck 6 hopefuls na mapapasailalim ng bawat judge.

Kabilang sa napili ni Dingdong sa kanyang team ay sina Arra San Agustin, Klea Pineda, Beatriz Imperial, at Nikki Co.

Kabilang naman sa grupo ni Jennylyn sina Avery Paraiso, Kevin Sagra, Princess Guevarra, Chat Bornea, at Analyn Barro.

Sa team naman ni Regine napabilang sina Migo Adecer, Joemarie Nielsen, James Teng, at Camille Torres.

Napasama naman sa grupo ni Joey sina Ayra Mariano, Elyson de Dios, Jay Arcilla, Koreen Medina, at Liezel Lopes.

Sa pagtatapos ng episode, pinili na ni Joey si Ayra na mapabilang sa Ultimate Final 14.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN