StarStruck 6 UPDATE: 10 more hopefuls join the Ultimate Final 14

Meet the Ultimate Final 14 of StarStruck 6: (top row, L-R) Top 7 Boys: Avery Paraiso, Migo Adecer, Elyson De Dios, James Teng, Jay Arcilla, Kevin Sagra, Joemarie Nielsen; (bottom row, L-R) Top 7 Girls: Ayra Mariano, Klea Pineda, Liezel Lopez, Princess Guevarra, Analyn Barro, Arra San Agustin, and Koreen Medina




Pinangalan na nitong nakaraang linggo ang apat na "Fast Struck" choice ng StarStruck Council.

Ang council members ay binubuo nina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Joey De Leon, at Regine Velasquez-Alcasid.

Pasok na sina Avery Paraiso, Ayra Mariano, Migo Adecer, at Klea Pineda sa Ultimate Final 14.

Read: StarStruck 6 UPDATE: Klea Pineda, Avery Paraiso, and Migo Adecer make it to the Ultimate Final 14


Ngayong araw, October 2, kinilala naman ang sampu pang makakasama sa Ultimate Final 14.

Ngunit bago makilala ang sampu pang kabilang sa Ultimate Final 14, nagbigay muna ng mensahe ang Kapuso Romantic Comedy Queen na si Jennylyn tungkol sa importansya ng bagay na ito.

Sabi ni Jennylyn, “Kasi yung Final 14, di ba, lahat naman ng StarStruck simula nung Batch 1, sila yung parang pinakabumubuo na e, sila yung pinakamatatandaan ng tao.

“So importante na… ang swerte swerte na nila kapag napabilang na sila sa Final 14.

“Sila sila na yung tatatak na sa mga tao, sila na yung bumubuo talaga ng StarStruck.

“Pag sinabi mong StarStruck, 14 talaga sila, e.”

Makakasama na nina Migo, Ayra, Avery, at Klea sa Final 14 ang sumusunod:

Joemarie Nielsen of Tarlac
Jay Arcilla of Laguna
Kevin Sagra of South Cotabato
James Teng of Bulacan
Elyson De Dios of Cebu
Liezel Lopez of Olongapo
Analyn Barro of Bacolod
Arra San Agustin of Cavite
Princess Guevarra of Cavite
Koreen Medina of Cavite


Hindi naman nakapasok sina Nikki Co, Chat Bornea, Beatriz Imperial, at Camille Torres.

Sa huli, nag-iwan rin ng mensahe ang mga judges sa mga natanggal sa kompetisyon.

Unang nagbigay ng mensahe si Regine at sinabi nito hindi pa dito natatapos ang kanilang career.

Aniya, “Hindi naman ito yung huli, you know.

“Nakarating kayo diyan, you were given the chance, so ‘wag masyadong ma-disappoint.

“Like I said, this is not the end, this is only the beginning.”

Sumang-ayon rin ito ni Joey at sinabing marami na rin silang mga fans ngayon. Inihalintulad din ni Joey ang naging karanasan ni Alden Richards sa naranasan nila ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Joey, “Kita niyo naman, marami nang nagsisigawan para sa inyo.

“Ibig sabihin kahit anong mangyare, yun na yun, e.

“Good luck, basta tandaan niyo si Alden [Richards] hindi nanalo rito.”

(View: Alden Richards, Marlo Mortel, other celebs who auditioned for StarStruck V)

Ganito rin ang mensahe ni Jennylyn sa mga matatanggal.

Sabi pa niya, “Hindi porket hindi kayo kasama sa Final 14, katapusan na ng mundo.

“Dito pa lang yun magsisimula, ang dami niyo suporters at fans o.

“Kaya good luck sa inyo, sa Final 14 goodluck.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN