Kalyeserye Recap: Alden Richards and Maine Mendoza to switch locations on Eat Bulaga



Simula sa Lunes, October 5, ay magpapalit na ng puwesto sina Alden Richards at Maine Mendoza sa Eat Bulaga.

Si Alden ay siya nang makakasama nina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros sa mga iba't ibang barangay para sa "Juan For All, All For Juan" segment.

Si Maine naman ay siya nang makakasama ng iba pang Dabarkads sa Broadway studio.

Ito ay bahagi ng kahilingan ni Lola Nidora (Wally) nang bumista sila nina Yaya Dub (Maine) at Tinidora (Jose) sa Broadway upang makilala nang lubusan ng Dabarkads si Yaya Dub.

Parang fiesta ang naging pagsalubong ng mga Dabarkads kina Lola Nidora, Tinidora, at Yaya Dub sa Broadway studio sa episode ng Kalyeserye ng Eat Bulaga! ngayong Sabado, October 3.

Si Tinidora nga ay at home na at home sa pagsasayaw ng "Mambo No. 5" dahil sa napakaraming hagdan sa Broadway.

Isa-isa namang ipinakilala ni Lola Nidora si Yaya Dub sa mga Dabarkads.

At gaya ng kanilang ipinangako, hinarana nina Tito, Vic, at Joey si Lola Nidora.

Mas lalo namang kinilig si Lola Nidora nang kantahan siya ni Jimmy Santos.


ALDUB MEET AGAIN. Pagkatapos ng ilang sandali ay dumating na ang pinakahihintay ng lahat nang lumabas na si Alden upang batiin si Yaya Dub.

Dala-dala ni Alden ang mga bulaklak at mga pasalubong niya mula sa cebu.

Noong una ay ayaw pang paglapitin ni Lola Nidora sina Alden at Yaya Dub dahil napakaiksi raw ng mesang uupuan nila.

Pero sa bandang huli ay pumayag na rin si Lola Nidora, sa isang kundisyon—kailangang talunin siya ni Alden sa bato-bato pik.

Nagtagumpay naman si Alden at natalo niya si Lola Nidora, kaya nakatabi niya si Yaya Dub sa mesa.

Pumayag din si Lola Nidora na mag-shake hands sina Alden at Yaya Dub.

Sinulit naman ng dalawa ang pagkakataon para makapag-usap, makapag-selfie, at uminom ng buko juice.

Kinilig naman ang lahat nang muling kinanta nang live nina Alden at Maine ang ilang bahagi ng hit song ng Pambansang Bae na "Wish I May."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN