Talent manager Jojo Veloso says new discoveries Anya Aragon and Georgina Fortalejo will join sexy reality show PantaXa

Jojo Veloso (center) on his new discoveries Anya Aragon (left) and Georgina Fortalejo (right): “Yun ang X factor nila. Magaling silang mag-project na kung kailangang magmukhang mayaman, lalabas yun sa kanila.”



Masaya ang minsa’y naging very controversial talent manager na si Jojo Veloso na nagkakaroon ng magandang bunga ang muling pagbabalik niya bilang discoverer at mentor ng mga talents.

Ang dalawa sa mga bago niyang discoveries na sina Anya Aragon at Georgina Fortalejo ay kaagad na pinapirma ng kontrata sa Viva Entertainment.

“Five years yung contract. Six movies ang nakalagay do’n na gagawin nila,” masayang pahayag niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang unit sa isang condominium building sa may E. Rodriguez Avenue, Quezon City kahapon, Linggo, October 4.

“Tapos, yung unang project nila ay yung PantaXa, isang reality show ng Viva.

“Nagsabi naman si Boss Vic [del Rosario] sa akin na once na mag-start na yung show, naka-line up na rin yung iba pang mga projects.

“With Boss Vic around, hindi ako nagda-doubt. Dahil alam ko na pagkatapos ng PantaXa, talagang simula na ng pag-arangakada ng career ng dalawang alaga kong ito,” masaya pa niyang pahayag.

Ikatlong season na ng PantaXa (pronounced as Pantasya) na very soon ay kukunan sa isang island sa Palawan.

Isa itong reality competition na medyo daring at sexy ang tema na ang participants o contestants ay isang linggong mananatili sa isang isla at maglalaban-laban sa mga ibibigay na challenges. Si Yam Concepcion ang unang winner dito.


GREAT POTENTIAL. Kampante si Jojo na sina Anya at Georgina ay may potensyal na sumikat balang-araw.

Pagmamalaki niya, “Si Anya, she has everything of what it takes to be a star. Maganda ang mukha, maganda ang katawan at tindig, at saka marunong siyang umarte.

“Nakita ko yung potential niya sa acting nung pinag-workshop ko siya. The same thing with Georgina.

“Sabi nga nung nag-facilitate ng workshop na si Vangie Labalan, parehong may pinaghuhugutan daw sina Anya at Georgina. Kasi hindi sila galing sa mayamang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nangarap silang mag-artista para matulungan ang kanilang pamilya na magkaroon ng magandang buhay. Ito ang nagsisilbing drive nila na magpursigi.”

Sa mga pictorial nina Anya at Georgina, may class ang dating ng kanilang personalidad. Hindi mo sasabihing galing sa mahirap na pamilya.

Dagdag pa ni Jojo, “Yun ang X factor nila. Magaling silang mag-project na kung kailangang magmukhang mayaman, lalabas yun sa kanila.”


NO RIVALRY. First year HRM student si Anya sa isang university sa Bicol samantalang si Georgina naman ay nag-aaral ng accountancy sa Far Eastern University. Parehong nag-stop muna ng schooling ang dalawa para mag-focus sa acting career na pinapasok nila ngayon.

Hindi ba nagsisimulang magkaroon ng professional rivalry o jealousy sa dalawang alaga niyang ito ngayon since sabay nga niyang ibini-build up ang mga ito?

Mabilis niyang tanggi, “Hindi naman. They both support each other dahil kumbaga nga, magkaka-team kami.”


HURDLING NEW CHALLENGES AS TALENT MANAGER. Sinasabing madali lang mag-discover ng ihuhulmang talent pero mahirap magpasikat. Lalo na sa ngayon na mas matindi pa ang competition among showbiz hopefuls.

Pagsang-ayon ni Jojo, “Actually totoo ‘yan. Mas mahirap na talaga at ramdam ko ‘yon.

“Pero very positive at confident naman ako na makakapagpasikat ulit ako. Depende kasi ‘yon, e.

“Kasi kailangan may right contact ka ng mga taong makapagbubukas ng opportunities sa talent mo. At saka you also have to work as a team.

“At saka hindi lang good looks ang sukatan. Kailangan magaling ka ngayon.

“Kasi sa dami nga ng mga nag-a-aspire na maging artista, kailangan lamang ka rin sa kanila. At iyon din ang reason kung bakit pinapa-workshop ko ngayon yung mga alaga ko.”

Saang aspeto ng pagbabalik-talent management niya siya nahihirapan?

Aniya, “Yung sistema ngayon, naiba na. Hindi katulad noong araw, iba na ang kalakaran ngayon.

“Dati kapag nalamang talent ko, kukunin na. Ngayon, dadaan ka talaga sa proseso na mag-a-audition, gano'n na ngayon, e.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

POLITICAL CAREER. Dati, tinalikuran ni Jojo ang pagma-manage ng artista at pumasok siya sa pulitika. Naka-dalawang term siya bilang board member ng Biliran province.

Kuwento niya, “Dumating sa point na hinahanap-hanap ko ang showbiz. Kaya nag-decide ako na balikan ang pagma-manage.

“May offer pa rin sa akin na tumakbo ulit sa 2016 election. Pero ayoko na nung board member dahil nakakapagod talaga.

“Actually, may katatawag lang sa akin, hinihikayat ako na tumakbo naman sa Sanguniang Bayan ng Caibiran.

“Pero I made up my mind already na I’ll stick to my old profession na mag-discover ng mga talent.

“Magpu-focus muna ako sa pagma-manage ko ulit ng artista. Dito kasi ako masaya na tipong iba ang sense of fulfillment kapag may napapasikat ka.

“Confident ako na makakapagpasikat pa ulit ako. At sisimulan ko kina Anya at Georgina.”


MOVING ON FROM CONTROVERSY. Grabe ang pinagdaanang kontrobersiya ni Jojo noon. Nakaabot pa hanggang Senado ang usapin hinggil sa video scandal na kinasangkutan niya.

Kapag naaalala niya ang matinding unos na pinagdaanan niya, ano ang pumapasok sa isip niya?

“Yung naiturong lesson no’n sa akin? Hindi ka talaga dapat nagtitiwala sa lahat ng mga tao, di ba? Iyon lang naman ‘yon,” pahayag niya.

Yung mga taong nagsilbing mitsa ng paglagablab ng matinding eskandalo at kontrobersiya tungkol sa kanya, paano kaya kung makaharap niya muli ngayong balik-showbiz siya?

“Yung mga nagri-reklamo daw, puwede kong kalimutan pero hindi ko puwedeng patawarin. Pero sakaling magkita-kita kami, wala lang.

“Nothing. Sinasabi ko nga dati, puro naman reklamo wala namang nakarating sa husgado.

“Maliwanag na paninirang-puri lang lahat sa akin. They just want to destroy my reputation at saka credibility,” lahad niya.


PROUD OF HIS WARDS. Marami nang naging talents at napasikat si Jojo. Kabilang na nga rito ang hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa acting field na sina Ina Raymundo, at ang mga award-winning actors na sina Allen Dizon at Ana Capri.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Proud na proud ako na niri-reap na nila ngayon lahat ng pinaghirapan ko para sa kanila. Masaya ako for them dahil sa na-achieve nila.

“Dahil dati, sinasabi… mga sexy stars lang naman ang mga ‘yan, e, ganyan-ganyan.

“Pero ngayon na-prove na nila na talagang hindi lang paghuhubad ang nalalaman at kaya nila.

“Talagang in-improve nila yung craft nila. Nagsikap sila para makaabot sa status nila ngayon bilang award-winning actors.

“Nakikita ko rin yung ganung promise ngayon sa dalawang talents ko na sina Anya at Georgina.

“At natutuwa ako na naiintindihan nila ang patakaran ko na kapag nagpa-handle sa akin, dapat ang priority talaga ay ang trabaho.

“Yung mga controversies at naging issues sa akin dati, alam naman nila. Pero hindi sila apektado.

“Kasi alam din nila na hindi naman gano’n. Walang gano’n.

“Siyempre mas titingnan nila kung ano at sino ako sa pagkakakilala nila dahil kami-kami ang magkakasama,” panghuling nasabi ni Jojo.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN