Kalyeserye Recap: Alden Richards becomes Bae Rogelio; Maine Mendoza joins Dabarkads in the studio

Naganap na ang pagpapalitan ng puwesto nina Maine Mendoza at Alden Richards sa Eat Bulaga. Si Maine ay nasa Broadway studio na kasama ang Dabarkads, habang si Alden naman ay nasa barangay kasama ng JoWaPao.


Naganap na ngayong araw, October 5, ang "switch" sa pagitan nina Alden Richards at Maine Mendoza o Yaya Dub sa Eat Bulaga.

Si Alden ay kasama na nina Wally Bayola (as Lola Nidora), Paolo Ballesteros (as Tidora), at Jose Manalo (as Tinidora) sa "Juan For All, All For Juan" segment sa isang barangay.

Habang si Maine naman ay kasama ng iba pang Dabarkads sa Broadway studio.

Ang akala ng marami ay maghu-host na rin si Maine ng mga segment ng Eat Bulaga! at maririnig na siyang mag-spiel.

Pero maliban sa pagbati niya sa opening ng "Eat Bulaga na!" ay balik-Dubsmash ulit siya sa iba pa niyang appearances, partikular na sa Kalyeserye.

Nasorpresa naman ang lahat nang lumitaw si Alden sa barangay na naka-uniform din kagaya ng mga Rogelio, ang mga bodyguard ni Lola Nidora.

Mas lalong lumutang ang kaguwapuhan ng Pambansang Bae dahil sa suot niyang short-sleeved barong with matching shades at earphone.

In short, siya ang pumalit kay Yaya Dub bilang tagapag-alaga ni Lola Nidora—tagabigay ng gamot at tubig at tagabuhat ng mini-electric fan.

(Courtesy of Eat Bulaga Facebook account)

Nagkapalit man sila ng lugar, hindi pa rin nawala ang kiligan sa pagitan nina Alden at Yaya Dub dahil sa kanilang Dubsmash at pagsasagutan sa fan signs.

Dahil hindi kaya ni Alden ang pagda-Dubsmash ng Pabebe ay kumanta na lang siya ng ilang linya mula sa hit song niyang "Wish I May."

At muli ay sinabayan siya ni Yaya Dub, na pumuwesto kung saan sila unang nagngitian.

Pero lumipat din siya kalaunan sa "lungga" ni Alden sa studio.

Wish I may duet ulit. #ALDUBSwitch pic.twitter.com/RERCM9G24D

— MAIDENatics GLOBAL (@MAIDENatics016) October 5, 2015

Pareho namang may iniinda sina Tidora at Tinidora.

Si Tidora ay haggard na haggard ang histura dahil 'naglakad' daw siya mula Cebu dahil naiwan siya ng eroplano noong Biyernes.

Matatandaang hindi nakasama si Tidora sa pagdalaw nina Lola Nidora, Tinidora, at Yaya Dub sa Broadway studio noong Sabado, October 3, dahil na-stranded siya sa Cebu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Tinidora naman ay hindi makapagsayaw nang todo dahil iniinda pa rin nitong sakit mula sa pagkakabagsak niya noong Sabado habang nagsasayaw ng "Mambo No. 5."

Samantala, sumama si Alden kina Jose, Wally, at Paolo sa "Sugod Bahay" segment ngunit nahirapan sila sa paglalakad dahil sa napakaraming taong gustong makalapit sa kanila.

May ilang pagkakataon ding hinihila ng mga tao si Alden para mayakap.

Halata ring nangangapa pa si Alden sa pagsabay sa mga birada ng JoWaPao, pero may pagkakataong humihirit din siya ng biro.

Biro nga ni Vic Sotto, na nasa studio, bagamat napakadisente ni Alden ay mahahawa rin ito sa pagiging kuwela nina Jose, Wally, at Paolo pag nagtagal ang pagsama niya sa tatlo sa barangay.

Sa kabilang banda, tila at home na at home naman si Maine kasama ang Dabarkads sa studio.

(Courtesy of Eat Bulaga Facebook account)

Sinamahan pa siya ni Ryzza Mae Dizon, ang best friend niyang si "Yaya Luvs," sa pagda-Dubsmash.

(Courtesy of Eat Bulaga Facebook account)

Habang nasa Broadway studio ay may iniwang mensahe si Maine kay Alden na isinulat niya sa kanilang wall:

"Pahinga ka din pag may time. P.S. Hiniram ko hover board mo. Hehe"

The Hover Couple :)) "aMainezing" #ALDUBSwitch CTTO@marcusantawn9 pic.twitter.com/LBWXDvRAoa

— ALDUB PHILIPPINES ™ (@ALDUBPILIPINAS) October 5, 2015

Pero tila hindi magtatagal ang ganitong set-up sa pagitan nina Alden at Maine.

Sinabi kasi ni Lola Nidora na pinag-iisipan niya kung ibabalik niya si Yaya Dub sa barangay at si Alden sa studio.

Posible rin daw na pagsamahin niya ang dalawa sa studio, kung matatalo siya ni Yaya Dub sa bato-bato pik katulad ng ginawa nila ni Alden noong Sabado, October 3.

Pero nanalo si Lola Nidora kaya magdedesisyon siya kung sino ang makakasama niya sa barangay at kung sino ang pupunta sa studio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN