Camille Prats excited to do her first mother role in "Gaano Kadalas ang Minsan"


For her comeback project after giving birth, Camille Prats will portray a mother in Gaano Kadalas ang Minsan. She has replaced Sunshine Dizon, who reportedly got very sick.


Ikinatutuwa ng celebrity mom na si Camille Prats ang pagkakakuha sa kanya bilang kapalit ni Sunshine Dizon sa TV adaptation ng 1982 film na Gaano Kadalas ang Minsan.

Ibinalita kahapon, Hunyo 5, sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na bagamat nakapag-pictorial at nakapag-taping na si Sunshine, napagdesisyunan ng GMA Network na palitan na lamang siya nang malamang nagkasakit ang aktres at kailangan ng matagalang pahinga. Hindi diumano puwedeng ihinto ang taping dahil nakatakda na ang pilot episode nito sa Hunyo 16. (Click here to read related article)

Sa balitang ito, labis ang tuwang naramdaman ni Camille dahil ito ang magiging una niyang proyekto matapos ang kanyang pagpapahinga sa showbiz dahil sa kanyang pagbubuntis sa unang anak na si Nathaniel Caesar.

Ayon sa interview ng GMA News kay Camille, nasabi nito na, "Kahit ako nagulat ako. But then, you know, I'm thankful na nabigyan agad ako ng project.

"With Ms. Sunshine naman, what I heard is that she needs to take a break from work kasi nagpapagaling pa siya. Medyo nagkasakit 'ata siya and, you know, she's not fit to go back to work."

Bukod sa pagbabalik-showbiz, excited din si Camille dahil first time para sa kanya ang mother role na kanyang gagampanan sa nasabing Sine Novela. Unang ginampanan ito ni Vilma Santos sa pelikula.

Aniya, "This is the first time I'm portraying a mother role, so I'm very excited for that, di ba? And siyempre, ibang atake kasi iba naman ang acting ng nanay kesa sa may boyfriend ka lang."

Samantala, bukod sa pag-aartista ay busy rin si Camille sa kanyang bagong tayong pre-school na Divine Angels Montessori na matatagpuan sa loob din ng kanilang village. (Click here to read related article).

Kuwento ni Camille, "Ang pinakamaganda kasi sobrang accessible, kasi nandiyan lang ang bahay namin. So patakbo-takbo ako, if I have nothing to do then I go home and spend time with Nathan and Anthony [Linsangan, her husband]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Kumuha ng short course na Montessori training si Camille sa States habang pinagbubuntis si Baby Nathan. At ilang buwan matapos ang kanyang panganganak, tinupad ni Camille ang magpatayo ng Montessori school.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN