OTWOL director: "Bata kasi ang Kathniel. Samantalang sina James Reid at Nadine Lustre kasi, puwedeng maghalikan na."

On the Wings of Love director Jojo Saguin (left) says the series topbilled by James reid and Ndine Lustre (right) is attracting not only the young audience, but the mature ones as well. His dream project is to feature the loveteams of Kathniel (Daniel Padilla and Kathryn Bernardo), JaDine, and LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil) for a Valentine’s Day movie.



Ano kaya ang sikreto ng patuloy na pamamayagpag sa ere ng ABS-CBN serye nila James Reid at Nadine Lustre na On The Wings of Love (OTWOL)?

Para kay Jojo Saguin, isa sa mga director nito (ang isa pa ay si Antoinette Jadaone), ang sikreto ay nasa kuwento nito.

"Aside po siguro sa pagpapakilig sa fans nina James at Nadine, masasabi ko po siguro na dahil doon din talaga sa kuwento nito. Kasi, tumatak po sa tao yung kuwento ng OFW.

"Iyong nagpapakahirap sa ibang bansa para makapagbigay ng ginhawa sa pamilya; isinasakripisyo ang lahat para lang makapagpadala ng kung ano man sa pamilya.”

Dagdag ni Direk, sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang restaurant malapit sa ABS CBN TV Network noong nakaraang linggo, “Siguro yun po ang tumatak sa manonood.

"Kaya nakita niyo na may issue tungkol sa balikbayan box at nabanggit din minsan ni Cherry Pie [Picache] iyong tungkol sa OFW, na may pusong OFW si Leah [karakter ni Nadine].

"At saka kailangan talaga bawat episode, dapat may at least dalawang eksenang pampakilig para sa fans.”

Inamin din ng director na hindi nila inaasahang magiging ganoon kalakas ang pagtanggap ng fans sa TV series.

"Hindi talaga. Nagulat po kami na ganoon kalakas yung reception ng audience.

"Alam po naming may fan base sila JaDine [James at Nadine], pero iba rin po yung… di lang po kasi yung kabataan yung nag-patronize, e.

"Pati yung mga mature audience, yung mga teacher, na-appreciate po yung show.”


JUST FOR JADINE. Ayon pa kay Direk Jojo, ginawa ang OTWOL para sa JaDine.

"Kinonceptualize talaga ‘yon para sa kanilang dalawa. Bale eto talaga yung first teleserye nila sa ABS-CBN.”

Ganoon din kaya ang level ng kilig ng audience kung hindi JaDine ang gumanap na pangunahing tauhan sa serye?

Sagot ni Direk Jojo, “Ako po sa tingin ko, hindi ganoon kalakas kapag hindi JaDine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iba po kasi talaga yung dating nila. Para sa akin po, ha? Iba po kasi yung level ng kilig na nagagawa nila.

"Ang difference po kasi nila halimbawa sa Kathniel [Kathryn Bernardo and Daniel Padilla] for me, bata kasi ang KathNiel. Samantalang sina James at Nadine kasi, puwedeng maghalikan na.

"Kumbaga, yung nasa mature stage na kasi ang JaDine. Yun iyong kaibahan.”



After ng fake away... #OTWOLILoveYou

A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) onOct 5, 2015 at 7:04am PDT



OTWOL EXTENDED. Pahabol pa ni Direk Jojo, “Kapag nga may sweet moments na eksena sila, parang automatic sa kanila, parang may push button na, ‘O, eto, gagawin natin ha, titigan tayo.’

"Kaya kahit ako, kinikilig sa JaDine kapag idinidirek sila, e. Nakakatawa nga, e.”

Pagdating sa TV, masasabi ba niyang lume-level na ang JaDine sa lakas ng Kathniel?

"Masasabi ko naman po na papunta na doon.

"Hindi ko po masasabi na pantay. Kasi iba-iba naman po talaga yung mga tagahanga nila. Pero malakas din po na tulad ng KathNiel yung JaDine ngayon, e.

"Actually, sabi po ay extended kami hanggang January. Hindi lang natin alam kung hanggang kailan talaga,” tugon ng direktor.


ALBIE THE ANTAGONIST. Tinanong din ng PEP si Direk Jojo tungkol sa pagkayamot ng maraming viewers kay Jigs (na ginagampanan ni Albie Casino), dahil panggulo ito sa relasyon nila Clark (James) at Leah (Nadine).

"Sinasabi nga namin kay Albie, ‘Lagot ka, kapag lumabas ka!’" nakangiting saad ni Direk Jojo.

"Pero kasi, may pinaghuhugutan naman po siya kaya ganoon dahil iniwan ng nanay, lumaki sa lola. Pero may softer side rin po siya. Kailangan din pong ipakita na may puso rin siya.

"So, abangan nyo ang pag-develop pa sa karakter ni Albie, kung patuloy ba siyang manggugulo kina Clark at Leah.

"Ipu-pursue niya pa rin ba si Leah or what? Abangan niyo iyan.”

Sinabi rin ng direktor na marami pang dapat abangan na pampakilig sa fans ang OTWOL.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gagawin ni James ang lumang style ng panliligaw, katulad ng pag-igib ng tubig at panunuyo niya, hindi lang kay Mang Sol [na ginagampanan ni Joel Torre, tatay ni Nadine], pero sa lahat ng tenement community para matanggap lang siya.

"Ipakikita sa mga manonood na mararanasan ni Clark ang panliligaw sa makalumang paraan, yung tradisyon ng mga Filipino noon sa panunuyo,” nakangiting saad ni Direk Jojo.


NEXT TARGET. Hindi pa raw siya nakakapag-direk ng pelikula. Pero yun daw ang next na pupuntiryahin ni Direk Jojo.

"Opo, yun po yung tina-target ko soon. Baka siguro next year for Cinemalaya, yung mga indie film.

"If ever naman na may ibibigay ang Star Cinema na rom-com [romantic comedy], puwede naman.

"Kung puwede, gusto ko rin maidirek sa isang full-length film ang JaDine. Iba rin naman po kasi yung sa pelikula,” pahayag niya.

Nabanggit din ni Direk Jojo na dream movie at gift sa fans ang isang trilogy na tatampukan ng KathNiel, JaDine, at LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil) sa Valentine’s Day season.

"Maganda po yun kung pagsasamahin yung tatlong love teams– KathNiel, JaDine at LizQuen— na parang story of three loves.”

Parang trilogy?

"Opo ganoon, iyong iba-iba. Maganda po yung project na iyon if ever.

"Magandang offer ‘yon for a Valentine’s Day special.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN