Kalyeserye Recap: Maine Mendoza unleashes her dramatic prowess

Pinatunayan ni Maine Mendoza na hindi lang hanggang pagda-Dubsmash ang kaya niyang gawin. Mula sa pagkanta nang live at pagsasayaw, pinatunayan din ni Maine na kaya niya ring makipagsabayan kay Wally Bayola o Lola Nidora sa crying scene.



Napuno ng iyakan ang 12th weeksary ng AlDub ngayong araw, October 8.

Hindi dahil wala si Alden Richards sa episode ngayon ng Kalyeserye ng Eat Bulaga! kundi dahil sa sulat ni Isadora, ang tunay na ina ni Yaya Dub (Maine Mendoza).

Kahit wala si Alden—na nasa Zamboanga ngayong araw at pupunta naman sa Japan bukas—ay nagdiwang pa rin sina Yaya Dub, Lola Nidora (Wally Bayola), Tidora (Paolo Ballesteros), at Tinidora (Jose Manalo) para sa 12th weeksary ng AlDub.

Naghanda sila ng mga pagkain sa barangay at pati na sa Broadway studio kung saan ang “magka-date” ay sina Baste at Ryzza Mae.

Kagaya nitong nakalipas na mga araw, si Baste muna ang nakapalitan ng Dubsmash ni Yaya Dub.

At nag-duet pa sila nang live ng ilang linya mula sa kantang “Thinking Out Loud.”

Bagamat nasa malayo, nagpadala pa rin si Alden ng dalawang bouquet of flowers para kina Yaya Dub at Lola Nidora; red roses kay Yaya Dub at white roses naman para kay Lola Nidora.

May paalala pa nga si Lola Nidora kay Yaya Dub tungkol sa pagkawalay nila ni Alden:

“Kung mahal mo ang isang tao, palayain mo. Kung bumalik siya sa ‘yo, para siya sa ‘yo.

“Ang inyong paglayo, diyan masusubok ang tibay ng puso niyo.

“Kung sa ilang araw pa lang aayaw na kayo, Yaya, huwag na kayong umasa sa forever.”

Sabi naman ni Yaya Dub, “Aldub you, Lola, salamat po.”



THE LETTER. Sa gitna ng kasiyahan ay ipinabasa ni Lola Nidora kay Yaya Dub ang sulat na natanggap niya mula kay Isadora, ang nawalay na kapatid ng De Explorer sisters at siyang tunay na ina ni Yaya Dub.

Pagkatapos basahin ni Yaya Dub ang sulat ay napaiyak ito at yumakap kay Lola Nidora.

Ito ang nilalaman ng sulat ni Lola Nidora na binasa ni Yaya Dub:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabik na akong mayakap si Divina, sabik na akong makapiling siya. Panahon na para malaman niya ang totoo.

“Naghintay ako ng matagal na panahon. Pero ito na ang tamang panahon.

“Umuwi ako para simulan ang mga panahong nawala ako. Makakasama ko na kayo.

“Uuwi ako para simulan ang buhay namin ni Divina.”

Sa madaling-salita ay kukunin na ni Isadora si Yaya Dub para bumawi sa mga panahong hindi sila nagkasama.

Dito sa puntong ito ay muling napayakap si Yaya Dub kay Lola Nidora at pareho silang napaiyak.

Sa eksenang ito ay nakipagsabayan si Maine kay Wally sa pagpapatulo ng luha.

Malayung-malayo sa masayahin at kuwelang Yaya Dub na madalas na napapanood ng mga tagasubaybay ng Kalyeserye.

Maging ang mga Dabarkads at audience sa studio ay napatigil dahil sa emosyong ipinamalas nina Maine at Wally sa kanilang crying scene.

Pero bigla itong nauwi sa katatawanan dahil sa pagpapatawa ni Jose, na biglang nagtinga pagkatapos kumain.

Ipinaalala ni Lola Nidora kay Yaya Dub ang usapan nilang walang iwanan.

Nag-suggest pa nga siyang mag-abroad na lang sila, pero sinabi ni Tinidora na hindi siya puwedeng umalis ng bansa dahil may ban siya.

Sa tunay na buhay kasi ay may hold-departure order si Jose dahil sa kasong kinakasangkutan ng estranged wife niya.

Pero ayon naman kay Tinidora, wala silang magagawa kung sakaling gusto na ngang kunin ni Isadora sa Yaya Dub dahil siya ang tunay na ina.

Sabi naman ni Lola Nidora, hindi sila dapat magpaapekto kay Isadora.

Tuloy pa rin daw ang pagsali ni Yaya Dub sa “Bulaga Pa More” grand finals sa Sabado, October 10.

Sabi naman ni Yaya Dub, “Gagalingan ko po para sa inyo.”

Kapansin-pansin na maliban sa pagkanta nang live—na in fairness ay may timbre—ay nabibigyan na rin ng pagkakataong magsalita si Maine gamit ang kanyang sariling boses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unti-unti na ring ipinapakita kung ano pa ang kayang gawin ni Maine bilang isa nang ganap na artista.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN