Laguna-born factory worker Kris Algelyn Bytautas makes waves in X Factor Lithuania

Pinay contestant Kris Algelyn Bytautas recently wowed the judges in X Faktorius, the Lithuanian franchise of the popular global talent search The X Factor, with her rendition of Adele's signature hit, "Someone Like You."



Isa na namang Pinay ang gumagawa ng ingay sa isang talent search competition sa ibang bansa.

Ito ay si Kris Algelyn Bytautas, isang factory worker sa bansang Lithuania.

Nag-audition ang 23-year-old Pinay sa X Faktorius, ang Lithuanian franchise ng popular talent search na The X Factor.

Fluent si Kris sa pagsalita ng Lithuanian, pero ipinakilala niya ang sarili niya sa mga judges bilang “Filipino.”

Naging audition piece ni Kris ang hit song ni Adele na “Someone Like You.”

Pagkatapos ng kanyang performance, nakakuha siya ng tatlong “yes” votes mula sa judges.

Tubong Santa Cruz, Laguna si Kris at nakapang-asawa ito ng isang taga-Lithuania.

Mapapanood ang audition video ni Kris sa YouTube.


PINOY VICTORS. Laging litaw ang talent ng mga Pinoy pagdating sa pag-awit at napapahanga natin ang mga kahit na sino, maging ang mga hurado sa mga talent searches abroad.

Kasama rito ay sina Jessica Sanchez na naging 1st runner-up sa 11th season ng American Idol; Rose Fostanes, grand winner ng X Factor Israel; Marlisa Punzalan, grand winner sa X Factor Australia; at El Gamma Penumbra, first ever grand winners ng Asia’s Got Talent.

Kasalukuyang pinapahanga naman ng 4th Power at ni Neneth Lyons ang judges at audience ng The X Factor UK.

Gayun din ang Filipino-Australian na si Cyrus Villanueva na kilalang-kilala na dahil sa kanyang pagsali sa The X Factor Australia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN