Arnel Pineda apologizes for doing “Pabebe Wave” on It’s Showtime

Awkward! Journey's Arnel Pineda did the “Pabebe Wave” on It's Showtime last Saturday, October 10.



Tila nag-iba ang ihip ng hangin nang biglang gawin ng Journey vocalist na si Arnel Pineda ang “Pabebe Wave” sa It's Showtime.

Isa si Arnel sa mga hurado sa “Clash Of Celebrity” segment ng ABS-CBN noontime show nitong Sabado, October 10.

Ang ibang COC judges ay sina Direk Rowell Santiago at Isay Alvarez-Sena.

Matapos ang performance ni Sarah Lahbati na isa sa mga finalists ng naturang segment, si Arnel ang napiling hurado upang magbigay ng kanyang komento.

Kabilang din sa finalists sina Jay-R, Mika dela Cruz, at Giselle Sanchez.

Pagkatapos magbigay ng komento ni Arnel, napansin ni Vice Ganda kung gaano ito kahinahon sa pagbibigay ng kanyang komento.

Sabi ni Vice Ganda, “Ang hinahon ni Arnel no? Yung mga totoong singers, hindi talaga… mahina lang talaga sila magsalita.”

Bigla namang sabi ni Arnel, “Nagpapabebe lang ako.”

Hindi rin inasahan ng lahat na gagawin nito ang “Pabebe Wave” na pinasikat ng AlDub love team nina Alden Richards at Maine Mendoza sa rival program sa GMA-7, ang Eat Bulaga.

Natigilan ang ibang Showtime hosts na sina Billy Crawford at Karylle na kasama ni Vice sa stage noong panahon na iyon.

Hindi rin inasahan ni Vice Ganda ang sinabi ni Arnel kaya naman ang nasabi na lang nito: “Ayan nako, bongga talaga 'yan!”

Dahil sa nangyari, humingi naman ng tawad si Arnel sa pamamagitan ng kanyang Twitter account at sinabing: “Didnt mean to start something..i apologize..it was done with no malice at all..”


Didnt mean to start something..i apologize..it was done with no malice at all..

— Arnel Pineda (@arnelpineda) October 10, 2015




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN