Christian, Bayani, and Bituin meet TFC subscribers in Rome

by Julie E. Bonifacio
Jun 16, 2008
(From left) Christian Bautista, Bayani Agbayani, and Bituin Escalanate graced the 110th Philippine Fiesta Celebration held in Rome, Italy last June 8.


Libu-libong tao ang pinasaya ng The Filipino Channel (TFC) sa Rome, Italy sa kabila ng maulap at malamig na panahon ng summer doon. Dumating doon ang mga mahuhusay na Pinoy performers sa Ankara Park ng Rome sa pangunguna nina Christian Bautista, Bituin Escalante, at Bayani Agbayani noong nakaraang Linggo, June 8.

Gayunpaman, wala namang kasing-init ang pagtanggap sa kanila ng mga Global Pinoy na umaga pa lang ay nakikisaya na sa 110th Philippine Fiesta Celebration na taunang ginaganap sa Rome.

Taon-taon ay nagpapadala ng mga ABS-CBN artists ang TFC sa nasabing fiesta para magbigay-aliw sa mga kababayan nating sabik na sabik makita sa personal ang mga hinahangaang artista sa telebisyon. Tinatayang 4,000 Pinoys ang dumalo sa araw na iyon. Ang paggunita ng Philippine Independence Day ay isang araw na pinananabikan ng mga OFWs sa Roma dahil 'yon ay okasyon para sila ay magkita-kita at magsaya at syempre, makakita ng mga artista.

Continue reading below ↓

Para ring nasa Pilipinas sa loob ng park: karamihan ay nagpi-picnic, nagka-karaoke, nagba-barbeque, at karamihan sa tiangge booths ay nagtitinda ng pagkaing Pinoy tulad ng pinakbet, kaldereta, tocino, at puto. Pero ang best seller doon sa Rome ay ang halo-halo.

Si Bayani ang kumanta ng opening number para sa TFC show. Nagmistulang rocker si Bayani habang kinakanta ang "Laklak" at nakipag-head-banging pa nga sa mga kalalakihan sa audience. Humahagalpak sa tawa ang mga tao habang nagpipilit mag-Italyano ni Yani (palayaw ni Bayani) kahit baluktot ang pagbigkas niya.

Siyempre ay hindi pumayag ang mga tao na hindi kantahin ni Yani ang kanyang big hit na "Ocho-Ocho." Sulit na sulit rin ang punta ng mga kadalagahan para manood sa fiesta dahil hinarana sila ni Christian sa pamamagitan ng mga kanta tulad ng "Got To Believe In Magic," "Fly Me To The Moon," at siyempre pa, ang kanyang big hit na "The Way You Look At Me."


Dahil nga sa kakaibang lamig ng weekend na iyon ay nagkalagnat at namalat ang boses ni Bituin. But the show must go on at hindi 'yon naging hadlang para magbigay ng isang kahanga-hangang performance si Bituin. Napasayaw ang mga nanay at lola sa audience habang kinakanta niya ang jazz version ng "Balut" mula sa musical na Katy!


Pagkatapos ng show ay pumunta ang tatlo sa TFC booth kung saan nag-autograph signing at nagpa-picture ang karamihan ng kanilang fans. At dahil nga sa nag-enjoy ang lahat ng mga nakapanood sa kanila, maraming kababayan natin ang na-engganyong mag-subscribe sa TFC dahil alam nilang ito ang pinaka-effective na paraan para mapawi ang kanilang homesickeness.

Continue reading below ↓


Dahil nandun na rin ang mga naturang artista sa Roma, kinuha nila ang pagkakataon na ito upang mamasyal doon. Kasama ni Bayani ang kanyang nanay sa biyaheng ito at nung kinaumagahan nga ay sabay silang pumunta sa Vatican.

Lahat sa grupo ng mga mang-aawit ay kinilabutan at napaluha noong lumabas ang Santo Papa sa kanyang bintana at binasbasan ang lahat ngkumakaway sa kanya sa harapan ng Basilica de San Pietro.


First time ni Christian sa Roma kaya bawat break time na ibigay sa kanya at sa manager niyang si Carlo Orosa ay sinsamantala nila sa pamamasyal sa mga historic sites tulad ng Coloseo, Vatican, Sistine Chapel, Spanish Steps, at marami pang iba. Mahilig pala kumain si Christian ng meat kaya naubos niya ang isang ga-higanteng medium-rare Tuscan steak noong nag-dinner sila sa El Buteri Ristorante.


Noon ngang nag-treat ng dinner si Raffy Jison (managing director ng TFC Europe) sa Ristorante Barbablu Di Cameda, ay impromptu na nagpaunlak si Bituin na kumanta ng "Besame Mucho" at "The Prayer."

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Christian Bautista, Bayani Agbayani, and Bituin Escalanate graced the 110th Philippine Fiesta Celebration held in Rome, Italy last June 8.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results