Alden Richards does Yaya Dub's Dubsmash to celebrate their 13th weeksary

Hindi naging hadlang ang pagkawala ni Yaya Dub para ituloy ang selebrasyon ng 13th weeksary ng AlDub loveteam. Pinuntahan ni Alden Richards sina Lola Nidora (Wally Bayola) at Tinidora (Jose Manalo) sa location ng "Juan For All, All For Juan" para mag-celebrate.


Kung kahapon, October 14, ay napuno ng iyakan ang muling pagkikita nina Alden at Yaya Dub, kabaligtaran naman ang nangyari sa Kalyeserye ng Eat Bulaga! ngayong araw, October 15.

Ngayong araw ang 13th weeksary ng AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Wala si Maine ngayon sa Eat Bulaga! dahil sa istorya ay pinapunta muna nina Lola Nidora (Wally Bayola) at Tinidora (Jose Manalo) si Yaya Dub sa Cebu para itago sa tunay na ina nitong si Isadora.

Ngunit hindi naman ito naging hadlang para ipagpatuloy ang selebrasyon ng weeksary nina Alden at Maine.

Sinorpresa ni Alden sina Lola Nidora at Tinidora nang magtungo siya sa location ng "Juan For All, All or Juan" segment sa Sta. Ana, Manila.

May dala-dalang bouquet of flowers si Alden para kina Lola Nidora, Tinidora; at maging kina Tidora at Yaya Dub na parehong wala.

Pero kapansin-pansin na "Maine" ang binanggit ni Alden sa halip na Yaya Dub, kaya tinukso siya nina Jose at Wally na totohanan na talaga ang pagiging close nilang dalawa.

Biro pa ni Lola Nidora kay Alden: "Huwag kang mag-alala, sa tamang manahon, papayagan ka rin naming maka-date mo si Maine..."

Naghanda rin si Alden ng isang mesa na may limang upuan; para sa kanila nina Yaya Dub, Lola Nidora, Tinidora, at Tidora.

At ang inihanda niyang pagkain ay mga paborito ni Yaya Dub: isaw, fish ball, squid ball, at kikiam. May pa-shot din siyang pineapple juice.

Nag-cheers din sina Alden, Lola Nidora at Tinidora.

At sumagot naman dito si Maine sa pamamagitan ng kanyang Twitter account:

Cheers!ŸÂ

— Maine Mendoza (@mainedcm) October 15, 2015

Habang nakaupo at kumakain, binigyan nina Lola Nidora at Tinidora ng tips si Alden kung ano ang dapat niyang gawin kapag nag-date sila ulit ni Yaya Dub.

Si Tinidora ang nagkunwaring Yaya Dub, gamit ang cutout ng mukha ni Maine.

Pinaalalahanan nila si Alden tungkol sa tamang paraan ng pagpapaupo sa babae, paglalagay ng table napkin, at pag-abot ng inumin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siyempre, para makumpleto ang 'date' nila ay kailangang magsayaw sila.

Ang ginawa ni Alden ay inilagay niya ang cutout ng mukha ni Maine sa bouquet at ito ang isinayaw niya sa saliw ng kantang "God Gave Me You."

Pagkatapos nito ay tumayo si Tinidora at inilagay sa mukha niya ang cutout ni Maine at sila ang nagsayaw.

Hindi pa rito natapos ang selebrasyon dahil hiniling ni Lola Nidora kay Alden na kumanta.

Pinagbigyan naman sila ni Alden at ni-lip sync nito ang kanyang version ng "Thinking Out Loud."

Pero ang pinaka-highlight ng selebrasyon ay ang lambing ni Lola Nidora kay Alden na gawin nito ang pagda-Dubsmash na karaniwang ginagawa ni Yaya Dub.

Game na game naman si Alden.

Napuno nga ng tawanan dahil ginaya ng Pambansang Bae pati na ang facial expressions ni Maine habang nagda-Dubsmash.

Sa huli ay sinamahan ni Lola Nidora si Alden sa pagda-Dubsmash ng sikat na Pabebe Girls.

Nabitin naman ang lahat dahil hindi sinabi ni Lola Nidora kung ano ang sorpresa niya kina Alden at Yaya Dub, na nakalagay sa isang blue folder, pagkatapos manalo ni Alden sa kanilang bato-bato pik.

Bigla ring naputol ang eksena habang kausap ni Alden sa telepono si Maine; pero halatang patuloy ang pag-uusap nila kahit na nagbibigay na ng recap si Jose.

Dahil nabitin, kunwaring ibinato ni Senator Tito Sotto, na nasa studio kasama sina Joey de Leon at Allan K, ang dalawang upuan sa may stage.

Kaya tila natakot si Jose, bilang Gasgas Abelgas, na ipagpatuloy ang kanyang recap sa huli.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN