StarStruck 6 UPDATE: Princess Guevarra is first Avenger of GMA-7's talent search

16-year-old Cavintena Princess Guevarra is the first Avenger of StarStruck Season 6.



Nagsimula na ang tanggalan sa Ultimate Final 14 ng StarStruck 6 ngayong Biyernes, October 16.

Ang 16-year-old Cavintena na si Princess Guevarra ang unang natanggal sa Top 14 at itinanghal na kauna-unahang StarStruck Avenger ng season na ito.

Sa kanyang pag-alis sa Kapuso artista search, pinasalamatan Princess ang lahat ng mga nakasama niya sa StarStruck at ang mga sumuporta sa kanya rito.

Sabi ni Princess, “Maraming maraming salamat po, unang-una siyempre kay God at umabot ako sa point na 'to. And sa mga kasama ko sa journey ko, hindi lang sa mga contestants.

“Sa mga council, sa inyo po, sa inyong lahat, sa mga supporters ko sa Luzon, Visayas, Mindanao.

“Lahat kayo, yung mga cameraman, yung mga staff. Lahat po kayo thank you talaga sa inyo kasi inalagaan niyo po ako.

“Hindi ko po kayo makakalimutang lahat. Huwag niyo po akong kakalimutan at basta lagi lang tayo naka-smile at positive lang.”

Kabilang sa bottom four sina Klea Pineda, Joemarie Nielsen, at James Teng ngunit magpapatuloy pa sila sa kanilang StarStruck journey.

Ang bottom 4 sa #StarStruck this week ay sina Princess, Klea, Joemarie at James. #StarStruckTanggalanFriday pic.twitter.com/PmOaTG8D5u

— GMA Network (@gmanetwork) October 16, 2015


Bago i-announce kung sino ang matatanggal, inamin ng StarStruck host/judge na si Dingdong Dantes na nagulat ito nang malaman kung sinu-sino ang napabilang sa bottom four sa linggong ito.

Saad ni Dingdong, “Ako lahat sila e, kasi hindi sila kasama dun sa mga nasa ilalim nung scoresheet ko, yung mga hindi masyado nag-perform this week.

“In fact, may ilan sa kanila do’n na mataas ang score sa akin so ako personally nagulat ako sila ang nandito sa bottom.”

Bukod sa scores ng StarStruck Council, kasama rin ang online at text votes upang malaman kung sino ang matatatanggal.

Kabilang sa StarStruck Council sina Jennylyn Mercado, Joey de Leon, at ng guest judge for the week na si Jaclyn Jose na nakasama ng mga finalist sa sampalan scene na acting challenge for the week.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para naman sa first-ever StarStruck Ultimate Female Survivor na si Jennylyn Mercado, sina Kevin at Liezel ang may pinakamahinang performance sa linggong ito.

Si Kevin din ang napili ni Jaclyn sa mga lalake habang si Koreen naman ang napansin nitong may mahinang performance for the week sa mga babae. Nag-iwan naman ng mensahe si Jaclyn para sa mga finalists ng talent search.

Sabi ni Jaclyn, “Sa akin, ang puwede ko lang sabahin, lahat sila puwede mag-artista.

“Lahat sila qualified, magaling, magaganda, guwapo.

“So goodluck na lang din sa mga susunod na challenges and I hope for the best.

“Good luck sa winner.”

Si Liezel Lopez naman ang top performer sa linggong ito dahil siya nakakuha ng pinakamataas na combined scores ng StarStruck Council at ng online at text votes.

Ang iba pang Survivors na patuloy pa rin ang StarStruck journey ay sina Avery Paraiso, Migo Adecer, Elyson De Dios, Jay Arcilla, Kevin Sagra, Ayra Mariano, Analyn Barro, Arra San Agustin, at Koreen Medina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN