Denise Laurel will pick her wedding date once stint on Your Face Sounds Familiar is over




Inamin ni Denise Laurel na hanggang ngayon ay wala pa rin silang nase-set na date sa kasal nila ng fiance at Ginebra player na si Solomon Mercado.

“Wala pa,” bungad ni Denise nang tanungin tungkol sa wedding date nila.

“Feeling ko after Your Face [Sounds Familiar], I’m gonna be able to just sit down and finally pick a day, finally have time to prepare.

"Kasi as of now, I’m trying to give my 200% sa soap [ang katatapos lang na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita]. And I’m trying give my 200% sa Your Face.

"I’m trying to give 200% sa anak ko, sa parents ko and sa fiance ko,” buntong-hininga ni Denise.


SUPPORTIVE FIANCE. Natutuwa ang aktres na naiintindihan siya ng fiance niya.

Kuwento ni Denise, "Buti na lang understanding yung fiance ko at todo-support siya.

“Nanonood nga siya ng Your Face, e. Sobrang fan siya ng Your Face.

“Sabi niya minsan, 'Alam mo, kahit wala akong maintindihan minsan, kahit Tagalog na malalim,' tawang-tawa raw siya at sobrang naa-amuse siya.

"He loves music kasi kahit athlete siya.

“He loves watching performers and artists. And sobrang kahit hindi niya kilala, ire-research niya para makita niya.

“Sobrang aliw siya sa show na ‘to and natutuwa naman ako kasi at least that’s something that we can share also.”

Thankful rin si Denise sa lahat ng sumuporta sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.

"Yes, it ended after a year of shooting and nine months of airing. Matagal din. More than nine months I think.

“Actually, never naming inisip na ganito ito katagal.

“I mean, you’re always excited [kung] ano yung next na script, ano ang mangyayari, ganyan.

"Kaming lahat, ganoon ang iniisip namin. Nagulat na lang kami na mage-end na.”


REDEEMING VALUE. Ano ang redeeming value ng character ni Denise sa soap na si Toni Briones, heredera ng respetadong accounting firm na na-in love sa lalaking may asawa?

Sagot ng aktres, “Naging bad siya doon sa kwento di ba? Opo, pero hindi siya yung black and white na bad.

"Ang dami kasing pinagdaanan ng character ko.

“I started as a really good girl. I’ve always been a good girl without a mother who’s taking care of her family, always looking for the love of her father.

“Walang nagmamahal sa kanya. Siya yung palaging nagmamahal.

"Until she finds someone na nagmamahal sa kanya, pero mali naman at hindi rin niya ginusto yun.

"Yung lalaki ang nag-pursue pero ako pa rin yung na-blame.

“So, parang, doon siya naging bitter, e, when everything unraveled and became her fault tapos iniwan pa siya.

“Tapos siya pa yung naging bad when really all she has done is love unconditionally.

“So yun. Parang I feel like sa show na ito napapakita ang all aspects of love.

"How love can look bad but then when you look at it from another point of view, it can be beautiful.

“Or how somebody can be turned into something that they don’t wanna be just because of love.

“Or somebody can turn bitter or somebody can get pregnant, you know what I mean?

"Kaya apat kami na babae. All the characters kasi ang driving point namin dito is love.

“It’s not your typical, you know, our finale, no offense din.

“When you watch a lot of soap operas nowadays, parating may kidnapan, may barilan, nasa ospital, may mamamatay, nasa graveyard, may nagsasakalan, sampalan.



VINA MORALES' BOYFRIEND.
Pumunta ba sa set ng serye ang French boyfriend ng co-star ni Denise na si Vina Morales?

“Ah, kasi hindi kami magkaeksena together, so, hindi ko pa rin alam.

“Actually, recently ko lang nalaman na happy siya and she totally deserves it,” sagot ni Denise.




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN