Kalyeserye Recap: Isadora admits she is adopted; Yaya Dub is not real granddaughter of Lola Nidora, Tidora, Tinidora

Isadora (Paolo Ballesteros, left) on why she returned to Yaya Dub's life: "Bumalik ako para malaman ni Yaya ang katotohanan dahil sa pagharap niya sa tamang panahon, dapat alam niya ang katotohanan." Isadora revealed that she was adopted, which is why Yaya Dub is not related by blood to the De Explorer sisters. Yaya Dub's real mother is Ursula (who died already) and her father is a gardener named Dodong.



Ilang bagay tungkol sa katauhan ni Yaya Dub ang nalaman sa Kalyeserye episode ng Eat Bulaga nitong nakaraang Lunes, October 19.

Ang social media sensation na si Maine Mendoza ang gumaganap na Yaya Dub habang si Alden Richards ang kasama niya na bumubuo ng phenomenal AlDub love team.

Sa umpisa pa lang ng episode, ipinaliwanag ni Lola Nidora (played by Wally Bayola) kung bakit hindi pa rin nagpapakita ang kapatid nitong si Tidora (played by Paolo Ballesteros).

Naghahanap daw kasi ito ng mga eskuwelahan na mabibigyan ng libraries mula sa kinita sa tickets ng grand fans' day ng AlDub this Saturday, October 24, sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

(View: #AlDubTheBigSurprise highlights: Isadora introduced, Aldub Nation invited to October 24 fans' day at Phil Arena)

Bago pa man dumating ang isa pa nilang kapatid na si Isadora (na ginagampanan rin ni Paolo), nagbilin si Lola Nidora kay Yaya Dub na huwag niya itong iiwan.

Ipinangako ni Yaya Dub na hindi nito iiwan si Lola Nidora.

Tanong agad ni Lola Nidora kay Yaya Dub: “Paano kung hingin ni Alden ang kamay mo sa akin?”

Hindi agad nakasagot si Yaya Dub.

Kaya biniro siya ni Lola Nidora, “Tignan mo ‘to, ipinagpalit na ako. Kamay pa lang ang hinihingi.”

Pagpapatuloy pa nito, “Pero Yaya, makinig ka, mahaba-haba ang lalakbayin niyo ni Alden. Nagsisimula pa lang tayo.”


THE REVELATION. Sa episode na�#ALDUBRoadToForever, nalaman ng lahat na si Isadora (played by Paolo Ballesteros) ay ampon ng De Explorer family.

Sinabi ni Isadora na hindi siya ang ina ni Yaya Dub dahil siya ang lola nito.

Ibig sabihin nito, si Yaya Dub ay hindi tunay na apo nina Lola Nidora, Tidora, at Tinidora (played by Jose Manalo).




Yaya Dub shed tears during the #ALDUBRoadToForever episode

Pinaliwanag ni Isadora na ang yumaong anak niya na si Ursula ang tunay na ina ni�Yaya Dub.�

Tinawag ni Isadora ang kanyang apo sa kanyang tunay na pangalan: Divina Ursula Bukbukova Smash.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Isadora, “Iha, Divina, anak ka ni Ursula.

"Si Ursula ang aking anak. Namatay siya iha nang dahil sa panganganak sa ‘yo.

"Ikinalungkot kong lubusan ‘yan. Malaking bata ka no’n. Batang bata pa no’n siya, iha, mga 18 years old pa lang.”

Tinanong naman ng EB Dabarkads na si Joey de Leon kung sino ang ama ni Yaya Dub.

Ikinuwento agad ni Isadora na ang dating hardinero ng kanilang pamilya na si Dodong ang ama ni Yaya Dub.

Patuloy pang pagkukuwento ni Isadora, “Siguro isa ito sa dahilan kung bakit mahigpit sa ‘yo si Ate [Lola Nidora] dahil ayaw ka niyang matulad sa iyong nanay.

“Dahil naging mapusok siya, nagmadaling umibig kay Dodong na aming hardinero noon.”

Dagdag pa niya, “Iresponsable si Dodong. Gusto niyang mapabilang sa aming pamilya.

“Pero siya’y basagulero, nagsusugal, maraming bisyo.

“Kaya pinaalis namin siya noon sa mansyon bago manganak ang iyong nanay na si Ursula.

“Kaya ipinalabas naming anak kita iha, para maiwasan ang eskandalo sa pamilya.”

Hindi naintindihan ni Lola Tinidora kung bakit kinailangan pang maging yaya ang karakter ni Maine gayong apo naman pala nila ito.

Paliwanag ni Lola Nidora, “Pinalabas nating yaya kasi noon, noong papalaki na si Yaya, nagbalik at nagbanta si Dodong na kukunin niya ang anak niya.

“E, sinabi kong hindi siya anak ni Ursula. Siya ay isang yaya lamang.

“Kaya kailangan niyang gampanan ang pagiging yaya niya.

“E, para hindi siya kunin ni Dodong na nalulong sa bisyo.”


NOT REAL GRANDDAUGHTER. Tinanong din ni Isadora kung bakit kinailangang umalis si Isadora.

Nalaman sa episode na ito na hindi tunay na kadugo si Isadora at ipina-ampon lang siya ng mayordoma ng pamilya nina Lola Nidora.

Sabi ni Lola Nidora, “Hindi natin totoong apo si Yaya dahil hindi natin kapatid si Isadora. Ang sinasabi niyang hindi matanggap na lihim ay hindi siya anak ni Mama at Papa. Pina-ampon siya sa atin ng ating mayordoma noon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy pa ni Nidora, “Pero Yaya, higit pa sa tunay na apo ang turing ko sa ‘yo.

"Pinag-aral, ginabayan, tinuruan ka ng tama. Alam niyo, wala sa dugo’t laman ang pagiging pamilya. Ito ay sa tunay na pagtanggap at pagmamahal, maging saan man siya magmula.”

Isa pang tanong na nasagot sa episode na ito ay kung sino ang ama ni Ursula.

Agad sinabi ni Isadora na si Antonio Palais ang ama ni Ursula at ang lolo ni Yaya Dub.

Si Anotnio ang dating pintor ng bakuran ng De Explorer family.

Sa pagtatapos ng episode, ipinaliwanag din ni Isadora kung bakit siya nagbalik sa buhay ni Yaya Dub.

Nag-iwan din ito ng ilang habilin sa kanyang apo at maging kay Alden.

Sabi ni Isadora, “Bumalik ako para malaman ni Yaya ang katotohanan dahil sa pagharap niya sa tamang panahon, dapat alam niya ang katotohanan.

“Kung minsan, isang yakap lang [ang kailangan] para makalimutan lahat ng sama ng loob.

“Kaya iha, huwag na natin balikan isa-isa pa yung mga hinanakit.

“Ang mahalaga, dapat magpatawad, mag-move on.

“Sa nakaraan tayo natuto at sa kinabukasan naman tayo naghahanda.

“Kaya move on, move on na iha, ha?

“Hindi pa ito ang tamang panahon para magkasama tayo, iha.

"Pero masaya ako na pinalaki ka ni ate nang mahusay, higit pa sa tunay na apo. Ang gusto ko lang naman, e, araw-araw tayong makapag-usap.

“Babalik din ako, para dalhin ko sa ‘yo at makilala mo ang mga pinsan mo. Babalik ako, iha, sa tamang panahon."



MESSAGE FOR ALDEN. May mensahe si Isadora para kay Alden Richards.

“Alden, sana iho, alagaan mo si Divina ha? O kung ano man ang paglalakbay ninyo, nandito lang ako.

“Alam kong maganda ang hangarin sa ‘yo ni Ate."





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN