Nora Aunor opted not to slap Hiro Peralta in teleserye; says he is "kawawa"

Hiro Peralta was supposed to be slapped by Nora Aunor in GMA-7's upcoming teleserye Little Nanay. However, the Superstar decided not to do it and said, "‘No, ayoko siyang sampalin, kawawa.’"



Nakatatlong taping days na si Hiro Peralta bilang leading man ni Kris Bernal sa bagong GMA-7 teleserye na Little Nanay, kung saan kasama rin sa cast si Nora Aunor.

“I feel blessed po,” masiglang pahayag ng young actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Hindi ko nga po ini-expect na pagkatapos ng Pari Koy ay may kasunod na project agad akong gagawin sa GMA.

“Tapos leading man pa yung role ko.”


SUPER LUCKY. Kinabahan si Hiro na maka-eksena for the first time ang Superstar.

“Pero sa sunod na taping day namin, okay na. At ease na ako.

“Yung pinakahuling eksena namin ni Ate Guy [Nora], yung nalaman niya na nabuntis ko si Kris na apo niya.

“Susugurin niya ako sa bahay, at iiyak ako in front of her.

“At first, hirap akong umiyak, pero natatangay ako at napaiyak na rin nang ibinato na ni Ate Guy yung line niya.

“Dream ng maraming artista na makatrabaho si Ate Guy.

“Kaya I consider myself na suwerte na nabigyan ako ng chance to work with her.

“Magandang experience na makatrabaho siya."

Tinitingala din ni Hiro sa Nora dahil sa pagkatao niya.

"Hindi lang dahil magaling siyang aktres, kundi napaka-humble niya.

“Sa kanya, pare-pareho tayong artista, pantay-pantay tayo at hindi tayo magkakaiba.

“Walang mas nakakaangat,walang mas malaking artista.

“Nakakatuwa rin na parang anak na agad ang turing niya sa akin.

“May isang eksena nga na dapat sana ay sasampalin niya ako.

“‘Tapos she’s the one na nagsabi na… ‘No, ayoko siyang sampalin, kawawa.’

“Gano’n po, kasi gusto niyang comfortable din ako sa eksenang gagawin namin.”



BIG BREAK. Madali daw naging komportable sina Hiro at Kris sa isa’t isa.

Lahad ng teen actor, “Pero siyempre noong una po, parang may first-day syndrome na nagkaroon po ng ano… medyo kinabahan.

“Pero no’ng first taping day lang po. After that ay nawala na ‘yon sa system ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa story, kababata po ako ni Kris. Noong naging teenager kami, nangyari na nabuntis ko siya.

“Mawawala ako sandali and then pagbalik ko, do’n ko lang malalaman na nagkaanak pala kami.

“Challenging ‘yong role ko bilang isang nakabuntis na hindi pa handa sa responsibilidad ng pagiging ama.

“Na parang nasayang ‘yong chance ko na magkaroon ng magandang future dahil sa nangyari.

“Mahirap ‘yong character ko kasi magulo ang isip na… ‘yong erratic.

“At first gusto ko si Kris, tapos biglang hindi ko na siya gusto.

“I consider this na biggest break ko. Kaya no’ng sinabi sa akin ang tungkol dito, talagang natuwa po ako at na-excite nang husto.

“Marami pong mabibigat na eksena na talagang nahirapan po ako, pero nagawa ko naman po nang maayos.”


WORKING WITH RICKY DAVAO. First time daw makatrabaho ni Hiro ang direktor nila na si Ricky Davao.

“Okay naman po siya bilang direktor, parang Direk Maryo [J. Delos Reyes, na nakatrabaho ni Hiro sa Pari Koy] yung sistema niya ng pagdidirek.

“At parang hindi naman po ako nanibago kasi yung production staff, same din po no’ng sa Pari Koy.

“Kaya wala na po yung ilang ko pagdating sa working environment."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN