Is Janine Gutierrez more comfortable working with Mark Herras than Aljur Abrenica?

Janine Gutierrez describes her role in Dangwa: “Dito sa Dangwa, yung character ko po kasi na si Rosa, para siyang Cupid na napadpad sa Dangwa para tulungan yung mga single na makahanap ng love life at yung mga may kailangang ayusin sa pag-ibig.” She works with Aljur Abrenica (right) and Mark Herras in this new GMA-7 morning series.



Ngayong Lunes (October 26) na ang umpisa ng airing ng bagong morning series ng GMA-7 na Dangwa.

Bida rito si Janine Gutierrez at ang kanyang leading men na sina Mark Herras at Aljur Abrenica.

“Nakaka-excite po,” masiglang bungad ni Janine nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng CelebriTV sa GMA Network noong Huwebes ng gabi, October 22.

“Marami na kaming nai-tape. At nakita ko na nakakakilig at saka nakakatawa talaga yung kuwento, so excited ako na mapapanood na ito.

“Siyempre nakaka-pressure din po. Kahit ano namang project na ibigay sa iyo, siyempre it comes with a certain sense of responsibility na pinagkatiwalaan ka sa isang show.

“So siyempre pressured din. Pero ipinagdadasal ko lang po at saka excited ako,” dagdag ni Janine.

Isang goddess of love ang kanyang karakter sa Dangwa. Naging mortal siya nang mahulog ang kanyang loob para sa maling lalaki.�



LEADING MEN. Kamusta katrabaho sina Mark Herras at Aljur Abrenica, na gaganap na magkaribal sa puso ng karakter ni Janine?

Sagot ng aktres, “Okay naman po. Pareho naman po silang mabait at saka magaling, kaya magaan lang po kami sa set.”

Kanino siya mas kumportable?

Pagkumpara ni Janine, “Si Kuya Mark kasi matagal ko nang kakilala. So agad-agad wala na akong parang iniisip.

“Kasi, parang bata pa lang ako nakikita-kita ko na siya, e. So iyon!”

Nailang nga ba si Aljur nung first taping day nila?

Tugon ni Janine, “Hindi naman, actually. Wala namang nakakailang kasi since magaan nga lang, hindi naman siya super-drama.

“Dito sa Dangwa, yung character ko po kasi na si Rosa, para siyang Cupid na napadpad sa Dangwa [lugar sa Maynila kunsaan nakakabili ng murang bulaklak] para tulungan yung mga single na makahanap ng love life at yung mga may kailangang ayusin sa pag-ibig."


PROMO. Bilang promo ng serye, pumunta si Janine sa Dangwa (ang kilalang flower market sa Manila) at namigay ng bulaklak sa mga nakakasalubong niya.

“Ninerbiyos lang po ako noong una pero nakakatuwa rin pala,” tawa ni Janine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi nung nakita ko naman na natuwa sila, parang ang sarap din sa pakiramdam,” patuloy niya.


KISSING SCENE? Magkakaroon ba sila ng kissing scene ni Mark o ni Aljur?

Lahad ni Janine, “Hindi ko pa po alam. Wala pa naman pong sinasabi.”

Kung sakaling meron, ready naman siya?

“Tingnan po natin!” tawa ulit ni Janine.

“Abangan na lang natin.

“Siguro surprise na lang kung meron. Let’s see,” dagdag ng aktres.


GUEST STARS. Kampante daw siya na tatangkilikin ng televiewers ang Dangwa.

“The stories kasi are nice, e.

“At saka hindi lang naman po kami [nina Mark at Aljur]. Parang every week, meron kaming iba-ibang guests.

“Tapos meron din silang love story. So madami po yung parang may kanya-kanyang kuwento,” paliwanag pa niya.


MMFF ENTRY. May pelikula si Janine sa Metro Manila Film Festival (MMFF), ang Buy Now, Die Later.

Ani Janine, “Horror po siya na medyo comedy. Kasama ko po rito sina Vhong Navarro, Alex Gonzaga, at si Rayver Cruz.

“Second time ko nang gumawa ng horror. Yung una ay isang indie na last month lang namin na-shoot.

“Mas mahirap kapag horror film, kasi nakakapagod. Puro kaba at saka nerbiyos at sigaw.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN