Mika dela Cruz ecstatic about being part of new ABS-CBN teleserye, You're My Home

After waiting in the wings for several years, ABS-CBN teen star Mika dela Cruz feels ecstatic about being part of the new primetime series, You're My Home: “Super honored to be part of the show kasi siyempre powerhouse cast, Ms. Dawn [Zulueta], Kuya Richard [Gomez]. I’m super, super blessed, sobrang nakaka-overwhelmed, sobrang family kami sa set so masaya.”




Isa si Mika dela Cruz sa mga kabataang artista na halos lumaki na sa bakuran ng ABS-CBN dahil naging loyal Kapamilya siya mula noong napasama siya sa Goin' Bulilit hanggang ngayon na malapit na siyang tumuntong ng 17 anyos.

Marami lang ang nagtatanong kung bakit medyo mabagal daw ang takbo ng career ni Mika kumpara sa ibang kapanabayan nito gayong talent-wise at ganda ay hindi naman daw ito nahuhuli sa iba.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mika sa nakaraang presscon ng You’re My Home na mapapanood na sa November 9 sa Primetime Bida ng Kapamilya network, siniguro naman ng teen actress na hindi siya nakakaramdam ng pagkainip at naghihintay lang siya sa right timing sa kanyang career.

Sabi ni Mika, “I’m still waiting, may time naman sa lahat and siguro yung hitsura ko, even if I’m only turning 17, pag di ako nakaaayos, mukha akong bata.

“Siguro naghihintay lang na lalong mag-develop, lalong mag-bloom. I’m willing to wait, di naman ako nagmamadali, wala namang hard feelings.”


HAPPY ABOUT NEW TV SHOW. Sa ngayon nga ay masayang-masaya si Mika na bahagi siya ng seryeng You’re My Home ng ABS-CBN kunsaan siya ang magiging love interest ni Paul Salas sa istorya.

Masaya niyang kuwento, “Super honored to be part of the show kasi siyempre powerhouse cast, Ms. Dawn [Zulueta], Kuya Richard [Gomez].

“I’m super, super blessed, sobrang nakaka-overwhelm, sobrang family kami sa set, so masaya.”

“Ako dito si Jennifer, bale magkababata kami, best friend ni Moy which is Paul. Love team kami dito.

“Batang Navotas kami, taga Bangkulasi, mga batang palaboy.

“Ako yung batang di nag-aayos so medyo totomboy-tomboy.

“Mayroon kaming barkada sa Navotas, ako lang yung babae.

“Mga batang kalye kami, doon nagre-revolve yung story namin. From being a best friend, mai-in love ako sa kanya.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOVIE WITH ANDI. Bukod sa nasabing serye ay kasama din si Mika sa isang pelikula na pinagbibidahan ni Andi Eigenmann.

“Sa ngayon mayroon akong movie, Angela Mercado with Ms. Andi.

“Ipapalabas siya ngayong December 2. Katatapos ko lang sa Clash of Celebrities sa Showtime, lumalaban-laban din,” dagdag niya.


EXCITED ABOUT NEW NEPHEW. Excited na rin si Mika sa magiging second baby ng kanyang nakatatandang kapatid na si Angelika dela Cruz.

Lahad pa niya, “Malapit na siyang manganak and sobrang laki niya ngayon, she’s super excited kasi boy kasi uli.

“Excited din ako. Akala nga namin girl, kasi wala pa kaming girl na pamangkin sa family. Happy din naman na boy. Magiging tita na uli ako.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN