What happens to CharDawn if Richard Gomez wins in Ormoc?

Richard Gomez assures everyone he'll continue showbiz career if he wins as mayor of Ormoc City: "Kung sakaling manalo ako, dadalhin ko ito [his teleserye, You're My Home] dun sa Ormoc. Doon tayo magti-taping."



Sinigurado ni Richard Gomez na hindi mawawala ang CharDawn love team, ang tambalan nila ni Dawn Zulueta kahit manalo siyang alkalde ng Ormoc City sa 2016 elections.

"Kung sakaling manalo ako, dadalhin ko ito dun sa Ormoc. Doon tayo magti-taping," saad ni Richard, na ang tinutukoy ay ang You're My Home, ang bago nilang project ni Dawn sa ABS-CBN Primetime Bida.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard at ibang miyembro ng cast ng nasabing teleserye sa presscon para dito noong October 21 sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

May pasaring pa nga si Dawn sa ka-love team.

"Oo, noong 2012, bumalik kami [ni Richard bilang love team].

"Tapos ngayon, tatakbo na naman siya.

"Kasi di ba, kapag naging mayor siya, wala, tatlong taon yan.

"Yun nga lang, let's see.

"It would be really nice na nagkaroon kami ng follow up [sa hit movie nila ni Richard na The Love Affair], pero right now, heto ngang You're My Home, we're really hoping na magustuhan talaga ito ng viewers."

Bakit nga ba You're My Home ang titulo nito?

Sagot ni Richard, "Hindi ito ang original title [ang original title ay Never Ever Say Goodbye].


STORY ABOUT FAMILY. Pagpapatuloy ni Richard, “We've been through different titles, and finally, yung story kasi is about family.

"Siyempre, kasi family is home.

"It's a story of different families, opposing families, and, iisa lang talaga ang...that binds the family together, yun yung home.

"Aside from the house, it’s the people inside that home."

CONCEPT OF HOME. Ano nga ba ang home para sa mga miyembro ng cast?

Pahayag ni Sam Concepcion, "I guess, home is where the heart is, di ba?

"Home is anywhere...siyempre, siya na ang pamilya mo.

"It's in our core.

“Kahit anumang walk of life, kahit saan ka manggaling, your family is always your home.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Also, yung mga bagay na always close to our hearts, kung ano passion mo, kung ano ang gusto mo down to the little things, the food that you like, I guess, kung saan talaga ang puso mo, that's where you feel most at home.

"Home is kung saan talaga ang puso mo."

Ani JC de Vera, "Naniniwala ako na kung saan talaga ang puso mo, yung nawawala ang stress, yung very comfortable ka, kung saan di ka nahihirapan, kung saan ka kumportable, kung saan ka at ease, sa tingin ko yun ang home.

"And for me, walang makakatalo talaga sa family.

"So, wherever is your family, andun yung home."

Sang-ayon dito si Jessy Mendiola.

"Home is where you feel protected, safe, secure.

"It doesn't matter where you are, as long as you'll be with the person you want to be with.

"So, dun ka at home. Kahit nasa ibang bansa ka pa.

"Basta, sama-sama kayo sa problema, sa saya, sa gulo, basta magkasama-sama, ako, yun ang home ko."

HIGH EXPECTATIONS. Ini-expect ba nila na tulad ng ibang teleserye ng Kapamilya network, mahaba ang lalakbayin ng seryeng ito?

Saad ni Richard, "Kami naman, we always hope and pray na maging very successful itong teleserye namin.

"Ang kagandahan sa ABS-CBN, binabantayan pa rin nila yung creative team.

"Pinapanood nila yung ginawa namin.

“And then, nag-uusap sila ng creative team, together with Direk [Jerry Sineneng] kung mayroong kulang.

“Kung may dapat i-treat, ginagawan na kaagad nila ng paraan.

"'Pag nakita ito ng mga tao at ipinalabas, plantsado ang istorya.

"Hindi mo siya makikitaan ng loopholes.

"I think it's a wonderful process na ginagawa na rin ng ABS.

“Hindi lamang basta gagawa ng script, i-shoot, at sige, ipalabas niyo na 'yan.

"Dito, kailangang i-preview, pinag-aaralan, at kung may dapat bang ayusin, gagawin at hindi mo puwedeng sabihing lutuin ang istorya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN