Miggs Cuaderno admits being scared of Joko Diaz after "gulpihan" scene

Miggs Cuaderno admits being scared of doing another scene with Joko Diaz: “Kasi baka maging gano’n siya ulit kapag halimbawa maging gulpihan scenes kaya natatakot na po ako.” The 10-year-old boy got hurt when he was beaten up by Joko in the GMA-7 teleserye Destiny Rose.



Malaking hamon para kay Miggs Cuaderno ang gumanap bilang batang Joey Vergara na paglaki ay naging isang transgender woman.

Si Ken Chan ang gumanap na transgender woman na si Destiny Rose sa pinapalabas na teleserye ng GMA-7.

Ayon kay Miggs, hindi daw siya nahirapan sa dramatic scenes ngunit challenge sa kanyang ang umarte bilang isang babae.

“Nahirapan po ako do’n sa kailangan kong kumilos ng babae,” bungad ni Miggs nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Music Hall ng Metrowalk noong Lunes, October 26.

UNFORGETTABLE SCENE. Hindi makakalimutan ni Miggs ang eksenang ginugulpi siya ni Joko Diaz na gumaganap na tatay niya.

Totohanang nasaktan si Miggs sa nabanggit na tagpo.

“Pero hindi naman grabe. Nasaktan lang ako nang konti kasi medyo naging totohanan yung pagtulak sa akin.

“Sumakit ‘yong ulo at likod ko. Pina-ospital naman ako.

“Siyempre po inaalagaan naman nila ako do’n sa set. Hindi nila ako pinabayaan.”

Dahil doon, takot na ang 10-year-old boy na makasama sa gano’ng klaseng scene si Joko.

“Opo!” at tumawa si Miggs.

Paliwanag niya, “Natatakot na ako.

“Kasi baka maging gano’n siya ulit kapag halimbawa maging gulpihan scenes kaya natatakot na po ako.”

Ano ang sabi sa kanya ni Joko matapos siya maging carried away sa eksena at totohanang nasaktan si Miggs?

“Siyempre po nag-sorry si Tito Joko na hindi naman niya ‘yon sinasadya,” sagot ni Miggs.


BUSY, BUSY. Sunod-sunod ang mga pelikulang ginagawa ni Miggs.

“Katatapos ko lang po ng Child House directed by Louie Ignacio.

"Tungkol po ito sa mga batang may cancer, may leukemia.

“Tapos ‘yong isa po, ‘yong Mila directed by Chino Santos… horror.

“Horror din po ‘yong ginawa kong Maria Labo directed by Tito Roi Vinzon. Sa November 11 na po ang showing nito.

“Tungkol po ito sa urban legend sa Leyte na si Maria Labo, isang pinaniniwalaang aswang. Anak po niya ang role ko.

“Challenging po na gumawa ng horror film. Mahirap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pinakamahirap po na eksena ay no’ng kinakaladkad ako ni Maria Labo.Tapos ‘yong part na parang papatayin na niya ako.

“Natakot po talaga ako. Kasi yung hitsura po niya bilang aswang. Na… yung mata niya parang iba na, e.

“Tapos black na black na yung kamay niya at mahaba na ang kuko.

“Do’n ako natakot kasi never pa akong nakakita ng gano’n, e,” tawa ulit ni Migs.

Matapos niyang gawin ang Maria Labo, naniniwala na ba si Migs na totoo ang aswang?

“Opo. Kasi sabi nila sa may Visayas daw po ‘yon. Nando’n daw po si Maria Labo kaya naniniwala ako na totoo siya,” tugon ng batang aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN