Koreanovela "Lovers" to end this Thursday, June 26

by Jocelyn Dimaculangan
Jun 25, 2008
The story of Jarred (Lee Seo-jin) and Jackie (Kim Jeung-eun) will have its conclusion when ABS-CBN's Koreanovela Lovers ends this Thursday, June 26.


Hanggang saan ba hahantong ang pag-iibigan nina Jarred (Lee Seo-jin) at Jackie (Kim Jeung-eun)? Iyan ang malalaman ng mga manonood sa pagtatapos ng Lovers ngayong Huwebes (June 26).

Makukulong nga si Jarred matapos nito iligtas si Jackie at maghiganti kay Charlie, ang pumatay kay Chairman na siyang tunay niya palang ama.

Habang siya'y nasa kulungan, ipagpapatuloy naman ni Jackie na mamuhay ng normal bagamat nangungulila kay Jarred na ayaw makipagkita sa kanya. Samantala, si Kenneth ay patuloy na nangangasiwa sa kumpanya hanggang makalaya ni Jarred.

Sa paglaya ni Jarred, kakaharapin ni Jackie ang mabigat na desisyon ng dating gangster na magkalimutan na sila sa kadahilanang hindi sila karapat-dapat sa isa't isa.

Paano kaya tatanggapin ni Jackie ang pasya ni Jarred? Mauuwi na nga ba sa mapait na pagwawakas ang pagmamahalan ng ating lovers?

Huwag palampasin ang pagwawakas ng Lovers ngayong Huwebes (June 26), pagkatapos ng Pinoy Dream Academy Season 2 sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The story of Jarred (Lee Seo-jin) and Jackie (Kim Jeung-eun) will have its conclusion when ABS-CBN's Koreanovela Lovers ends this Thursday, June 26.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results