Angelica Panganiban and Derek Ramsay play lovers in MMK


Real-life sweethearts Derek Ramsay and AngelicaPanganiban will portray lovers in the June 27 episode of Maalala Mo Kaya.



Isang naiiba at natatanging episode ang alay ng MaalalaMo Kaya ngayong Biyernes, June 27. Sa pangunguna ni Angelica Panganiban atDerek Ramsay, ito ay sa ilalim ng direksyon ni Jeffrey Jeturian. Makakasama rinnila ang leading man ni Roxanne Guinoo sa Ligaw na Bulaklak na si SidLucero na very active ang TV career ngayon.

Talaga namang deglamorized si Angel at Derek sa pagganapnila sa episode na ito. Gaganap silang magkarelasyon sa kabila ng lungkot atpangungulila at paghahanap ng pagmamahal. First time daw ni Derek na gumanap saganitong papel, which he enjoyed immensely. Pinakita rin ni Angelica dito angkanyang versatility, pagkatapos niyang gumanap sa various and demanding roles.Nariyan ang kanyang memorable na characters tulad ng sa Star Cinema movie na ALove Story, sa teleserye na Maging Sino Ka Man at sa Your Song:I'll Take Care of You. Makikita siyang muli sa bagong teleserye niya withClaudine Barretto at Gabby Concepcion, ang Iisa Pa Lamang. Si Derek, nasiyang nagwagi sa international frisbee tournament sa China, ay abala rin sapaghahanda niya para sa "nurserye" na pagtatambalan nila ni Judy AnnSantos.

Abangan ang kanilang acting showdown sa June 27 episode ng MaalalaMo Kaya sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Ang host ng MMK ay si Ms. CharoSantos-Concio.

Maalala Mo Kaya (June 27, 2008)

Director: Jeffrey Jeturian

Episode Writer: Shugo Praico

Cast:

Angelica Panganiban - Inday

Derek Ramsey - Buboy

Sid Lucero - Ding

Ella Cruz - Jonah

Angel Sy - Young Jonah

Kristel Fulgar - Glaiza

Cheska Billiones - Young Glaiza

Nikka Valencia - Neneng


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN