Koreen Medina eliminated from StarStruck 6

Koreen Medina received an average score of 81.7% based on the StarStruck judges' scores and public votes.



Ang former beauty queen na si Koreen Medina ang itinanghal na third StarStruck VI Avenger matapos nitong matanggal sa GMA-7 artista search last Friday, October 30.

Si Koreen ang nakakuha ng pinakamababang average score mula sa judges at public votes na umabot sa 81.7%. Kasama ni Koreen sa bottom two si James Teng na nakakuha naman ng 82% nitong nakaraang linggo.

Sina Liezel Lopez at Jay Arcilla naman ay napabilang din sa bottom group. Ang iba pang bumubuo sa Top 10 ay sina Arra San Agustin, Annalyn Barro, Ayra Mariano, Klea Pineda, Migo Adecer, Elyson De Dios, Kevin Sagra, at Avery Paraiso.

Sa panayam ng GMA Network kay Koreen matapos ang programa, inamin nito na na-disappoint siya sa nangyari ngunit sigurado naman ito na may mga oportunidad pang darating pagkatapos ng kompetisiyon.

Aniya, “Siyempre hindi po mawawala yung disappointment, yung feeling na siguro may na-miss ako na hindi ko po nabigay. Alam ko naman po na may mag-o-open na door. [I know that] I’m one step closer [to my dream]."

Hindi man nanalo sa artista search, ipagpapatuloy pa rin ni Koreen ang kanyang pangarap na maging isang ganap na artista.

Sabi pa niya, “Siyempre po hindi po ako mag-gi-give up. I-pu-pursue ko pa rin po ‘tong dream ko na mag-enter ng show business. [Joining this industry is] my life[long dream].”

Bago ang announcement kung sino ang matatanggal, ipinakita rin ang mga boto ng bawat Survivor kung sino ang sa tingin nila ay dapat matanggal sa Kapuso talent search.

Nakakuha ng tig-tatlong boto sina James, Migo, at Elyson habang nakakuha naman ng tig-apat na boto sina Arra at Liezel.


CHALLENGE FOR THE WEEK. Sa nakaraang Linggo, sumabak sa “StarStruck Immersion” acting challenge ang bawat finalist kung saan nagkaroon sila ng eksena sa ilang Kapuso programs.

Kabilang dito ang mga afternoon drama series na The Half Sisters, Destiny Rose,at Buena Familia, at ang weekend programs na Ismol Family, I-Bilib, at Pepito Manaloto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa elimination night, nagbigay ng kanyang advice ang Eat Bulaga Dabarkads na si Joey De Leon sa mga natitirang artista hopefuls.

Sabi ni Joey, “Sayang, napakaikli yung mga napanood ko.

“Maiikli lang yung mga ginawa nila pero gayunpaman, kahit anong ikli kung yung presence mo mararamdaman ng viewers, e, yun ang importante sa lahat.

“Hindi yung present ka, yung presence, yo’n ang importante.”

Naglabas din ng kani-kaniyang sama ng loob ang bawat Survivors sa isa’t isa sa “StarStruck Hugot” challenge. Bukod dito, nagkabukingan din kung sino ba ang mga crush nila sa grupo at hinarap ang kani-kanilang takot.

Advice naman ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa mga Survivors: “Siguro ang maia-advice ko sa mga bata, mga bata pa kasi kayo, just enjoy it.

“Huwag muna kayong magpaka-serious dahil marami pa kayong pagdadaanan.

“Mas importante muna yung kung ano pa yung goal niyo in life muna.

“Kung pag-aartista then concentrate muna on that.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN