Megan Young feels nervous about her transformation from Marimar to Bella Aldama

Megan Young transforms from Marimar to Bella through the help of Solenn Heussaff (wearing stripes).


Si Megan Young ang kauna-unahang Miss World ng bansa. Nasungkit niya ang titulo noong 2013.

Pero ngayon na pinagbibidahan niya ang GMA-7 primetime series na Marimar, mas kilala na si Megan bilang karakter niya sa nasabing teleserye.

Pag-amin ni Megan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan, “Sa totoo lang, Marimar na ang tawag sa akin.

“Lalo na ang mga bata, kapag lumalabas ako, ganito na ang buhok ko, kulot.

“So kapag nakikita ako ng mga bata [sinasabi nila], ‘Si Marimar!’

“Nakakatuwa lang.

“Iba talaga ang nagagawa ng imaging, pag-present mo sa mga tao.”

TAKE ON BASHERS. May mga nangba-bash ba sa kanya bilang Marimar?

Ani Megan, “Pagdating po kasi sa bashing, hindi ko pinapansin.

“Bashing is a way of putting somebody down without good reason.

“What I really look after is yung mga constructive criticism.

“Kapag bashing kasi, they just say bad things without giving you tips.”

Inamin ni Megan na malapit na siya magbagong-anyo bilang Bella Aldama sa Marimar.

“Malapit na. Ito na rin ang simula ng paghihiganti niya sa mga Santibanez, lalung-lalo na kay Sergio at kay Angelica.”

Tutulungan ng kapapasok na karakter na si Capuccina Blanchett, na ginampanan ni Solenn Heusaff, si Marimar sa kanyang pagbabagong anyo.

Kuwento ni Megan, “Si Solenn, siya yung gaganap na Capuccina. Ang cute ng pangalan!

“Bale isa siyang performer pero ano rin siya, parang beauty consultant, image consultant.

“Kaibigan siya nina Brenda at Gustavo [Aldama], played by Ina Raymundo and Zoren Legaspi. Siya ang tutulong kay Marimar kung paano mag-transform, magsalita, makihalubilo.”

FROM MARIMAR TO BELLA. Excited na ba si Megan sa transformation niya?

“Actually, medyo kinakabahan ako kasi medyo napamahal na rin ako kay Marimar. Kahit nga papunta pa lang ako sa set, excited na ko.

“Simple lang ang mga damit ko, simple lang siyang mag-ayos, parang ako everyday.

“So, medyo ‘eto, beauty queen mode na naman ako. Ibang side naman ni Megan ang makikita nila kapag nag-transform na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa totoong buhay, papayag ba si Megan na maging api-apihan gaya ni Marimar?

“Hindi naman. Ako kasi, parang kapag may hindi maganda, hindi naman away, pero ako kasi, tumatahimik na lang ako.”

Kinumpirma ni Megan na mas palaban sa kanya ang nakababatang kapatid na si Lauren Young.

“Ako kasi, kapag napupuno na, lumalaban ako. Mas with words rather than—hindi ako physical na tao,” ani Megan.

Ipinaglalaban din ba niya ang love life niya?

Natawa ito at saka sinabing, “Siyempre sa love, ano ‘yan, you love unconditionally.

“Parang family mo ‘yan. Lahat gagawin mo para sa family mo. Ganun din sa love.”

Hindi na makakasama ni Megan si Tom Rodriguez bilang si Sergio mga eksena. Magkahiwalay na unit na rin sila.

Ayon kay Megan, “Oo nga, e. Sa umpisa lang kami magkasama.

“Noong time na kailangan na niyang humiwalay kay Marimar, yun ang hindi na rin kami magkasamang mag-taping.

“So, we’ll see kung papaano na ulit kapag nag-transform na si Marimar.

“ Kapag nag-transform na siya, baligtad. Si Sergio naman ngayon ang hahabol sa kanya.”

JACLYN JOSE AS CO-ACTOR. Marami ang nagagalingan kay Jaclyn Jose bilang ang kontrabidang si Angelica Santibanez, second wife ng resort tycoon na si Renato Sanatibanez sa Marimar.

Madalas ka-eksena ni Megan si Jaclyn. At ramdam na ramdam ang pagpapahirap na ginagawa ng karakter ni Jaclyn kay Marimar.

Kuwento ni Megan, “Nakakatuwa kasi si Tita Jane [Jaclyn]. Yung character niya, may pagka-campy talaga.

“Kapag kami ang magkaharap, natatawa ako. Kasi, ang galing niya. Ang galing ng characterization niya.

“Pero may mga scenes na nawawala ang pagka-campy niya. Sobra akong natatakot sa kanya.

“So ganun, makikita mo talaga ang difference na ginagawa niya. Kapag may mga lines siya na nakakatawa, alam mong nagpapatawa siya.”

Hindi ba nai-intimidate si Megan sa husay ni Jaclyn bilang artista?

“Si Tita Jane kasi, siguro dahil naging kaibigan namin si Andi [Eigenmann, anak ni Jaclyn] at nakakausap namin siya ng wala sa taping before pa, tapos si Lauren, nakasama na rin siya ng ilang beses sa show, hindi ako nai-intimidate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Rather, I really look up to her.

“Kapag wala kami sa eksena, tinuturuan niya ko ng tips, binibigyan niya ko ng tips.

“Halimbawa, ‘O, ganito ha. Nakita ko na medyo alangan ka sa scene na ‘to.’

“Tinuturuan niya ako.”

Nag-a-adlib ba si Jaclyn sa mga eksena nila?

“Oo. Minsan, hindi mo alam, sasampalin ka na lang bigla!,” natawang sagot ni Megan.

Ano ang ginagawa ni Megan kapag bigla na lang nanampal si Jaclyn kahit wala sa eksena?

“Kailangan tuloy-tuloy lang, go with the flow.”

Hindi naman daw napipikon si Megan kahit na sampalin pa siya ng aktres.

Katwiran niya, “Pinag-usapan namin yun. Sabi ko, ‘Tita Jane, kung biglang na-feel mo na kailangang sabunutan mo ako, okey lang sa akin ha, gawin mo lang, kasi nakakaragdag sa eksena natin.”

MIXED REACTIONS. Kamusta ang feedback ng mga tao sa loob ng ilang buwang pagganap ni Megan bilang Marimar?

Tugon ni Megan, “Siyempre, mixed reactions ang nakukuha ko palagi.

“Ako, I take it day by day kung may positive. Parang okey, that’s good.

“Titingnan ko kung ano ang nagawa kong maayos.

“Kung may negative man, I take it constructively.

“Ano ba ang hindi nila nagustuhan?

“Ano ba ang puwede kong ma-improve para next time, kapag may eksena na kaming ganun, mas aayusin ko or mas bibigyan ko ng depth ang eksena namin?

“So, actually welcome naman ako sa ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN